Font Size
1 Samuel 2:20-22
Ang Biblia (1978)
1 Samuel 2:20-22
Ang Biblia (1978)
20 At binasbasan ni (A)Eli si Elcana at ang kaniyang asawa, at sinabi, Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng (B)hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon. At sila'y umuwi sa kanilang sariling bahay.
21 At (C)dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.
22 Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng (D)ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978