Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay (A)malalansag;
Laban sa kanila'y kukulog siya (B)mula sa langit:
(C)Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At (D)palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.

Read full chapter

46 At sinabi ni Maria,

(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.

Read full chapter