Add parallel Print Page Options

Nainggit si Saul kay David

Nang pauwi na ang mga Israelita matapos mapatay ni David si Goliat, sinalubong si Saul ng mga babaeng mula sa lahat ng bayan ng Israel. Sumasayaw sila at umaawit na may tamburin at alpa. Ganito ang kanilang awit:

“Libu-libo ang napatay ni Saul, kay David naman ay tig-sasampung libo.” Nagalit si Saul nang mapakinggan niya ang awit nila. Naisip niya, “Sinasabi nilang tig-sasampung libo ang napatay ni David, pero ang sa akin ay libu-libo lang. Kulang na lang ay siya ang kilalanin nilang hari.”

Read full chapter