Add parallel Print Page Options

Ipinakipagtipan si Merab kay David.

17 At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si (A)Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na (B)asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga (C)pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, (D)Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.

18 At sinabi ni David kay Saul, (E)Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari?

19 Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul, ay ibinigay na asawa kay (F)Adriel na Meholatita.

Read full chapter