1 Samuel 17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si David at si Goliat
17 Tinipon ng mga Filisteo ang mga sundalo nila sa Soco na sakop ng Juda para makipagdigma. Nagkampo sila sa Efes Damim, sa gitna ng Soco at Azeka. 2 Tinipon din ni Saul ang mga Israelita, at nagkampo sila malapit sa Lambak ng Elah. Naghanda sila sa pakikipagdigma laban sa mga Filisteo. 3 Ang mga Filisteoʼy nasa isang burol at ang mga Israelita namaʼy nasa kabilang burol, nasa gitna nila ang lambak.
4 Ngayon, may isang mahusay at matapang na mandirigmang taga-Gat na ang pangalan ay Goliat. Lumabas siya sa kampo ng mga Filisteo, at lumapit sa kampo ng mga Israelita. May siyam na talampakan[a] ang kanyang taas. 5 Tanso ang helmet niya at tanso rin ang kanyang panangga sa dibdib na tumitimbang ng 60 kilo. 6 Tanso rin ang nakabalot sa kanyang binti at hita, at may tansong sibat na nakasukbit sa kanyang balikat. 7 Ang hawakan naman ng kanyang sibat ay mabigat at makapal; ang dulo nitoʼy tumitimbang ng pitong kilo. Nasa unahan naman niya ang tagapagdala ng kanyang kalasag.
8 Huminto si Goliat at sumigaw sa mga Israelita, “Kailangan nʼyo pa ba ng buong hukbo para makipaglaban? Ako ang Filisteo at kayo ang mga utusan ni Saul. Pumili na lang kayo ng isang taong kakatawan sa inyo na lalaban sa akin. 9 Kung mapapatay niya ako, magpapaalipin kami sa inyo; pero kung mapapatay ko siya, magpapaalipin kayo at maglilingkod sa amin. 10 Ngayon, hinahamon ko kayo! Papuntahin ninyo rito ang makikipaglaban sa akin.” 11 Nang marinig ito ni Saul at ng mga Israelita, natakot sila nang husto.
12 Ngayon, may anak si Jesse na nagngangalang David. Si Jesse ay taga-Betlehem, na mula sa lahi ni Efraim sa lupain ng Juda. Matanda na si Jesse nang mga panahong iyon. May walo siyang anak na lalaki. 13 Ang tatlong nakatatanda ay sumama kay Saul sa digmaan – ang panganay na si Eliab, ang sumunod ay si Abinadab at si Shama naman ang pangatlo. 14 Si David ang bunso sa magkakapatid. Habang kasama ni Saul sa digmaan ang tatlo, 15 si David ay nagpapabalik-balik sa paglilingkod kay Saul at sa pagpapastol ng mga tupa ng kanyang ama sa Betlehem.
16 Sa loob ng 40 araw, paulit-ulit na hinahamon ni Goliat ang mga Israelita, araw at gabi.
17 Isang araw, sinabi ni Jesse kay David, “Anak, dalhin mo agad itong kalahating sako ng binusang trigo at sampung pirasong tinapay sa mga kapatid mo na nasa kampo. 18 Dalhin mo rin itong sampung pirasong keso sa pinuno ng hukbo. Kumustahin mo rin ang kalagayan ng mga kapatid mo roon. At sa pagbalik mo rito, magdala ka ng katunayan na mabuti ang kalagayan nila. 19 Naroon sila ngayon sa Lambak ng Elah at nakikipaglaban sa mga Filisteo kasama ni Saul at ng iba pang mga Israelita.” 20 Kaya kinabukasan, madaling-araw pa lang ay bumangon na si David at inihanda ang mga pagkaing dadalhin niya. Iniwan niya ang mga tupa sa isang pastol at siyaʼy umalis ayon sa iniutos ni Jesse. Nang dumating siya sa kampo ng mga Israelita, palabas na ang mga sundalong nagsisigawan para makipaglaban. 21 Maya-maya, magkaharap na ang mga Israelita at mga Filisteo na handa nang maglaban. 22 Iniwan ni David ang mga dala-dala niya sa tagapag-asikaso ng mga kailangan ng hukbo, at tumakbo siya sa lugar ng labanan at kinamusta ang mga kapatid niya. 23 Habang kinakausap niya sila, lumabas si Goliat, ang mahusay na mandirigma na taga-Gat, at pumunta sa unahan ng mga Filisteo, at hinamon na naman niya ang mga Israelita. Narinig ito ni David. 24 Nang makita ng mga Israelita si Goliat, nagtakbuhan sila sa sobrang takot. 25 Nag-usap-usap sila, “Nakita ba ninyo ang lalaking iyon na sumusugod para hamunin ang Israel? Bibigyan ng hari ng malaking gantimpala ang sinumang makakapatay sa kanya. Hindi lang iyan, ibibigay pa niya rito para maging asawa ang isa sa mga anak niyang babae, at ang buo niyang sambahayan ay hindi na magbabayad ng buwis sa Israel.”
26 Nagtanong si David sa mga taong nakatayo malapit sa kanya, “Sino ba ang Filisteong iyon na hindi nakakakilala sa Dios[b] na humahamon sa mga sundalo ng buhay na Dios? Ano ba ang matatanggap ng taong makakapatay sa kanya para matigil na ang panghihiya niya sa Israel?” 27 At sumagot ang mga tao, “Tulad ng narinig mo, iyon nga ang gantimpala sa makakapatay kay Goliat.”
28 Nang marinig ito ni Eliab, ang nakatatandang kapatid ni David, na nakikipag-usap si David sa mga tao, nagalit siya. Sinabi niya kay David, “Bakit ka pumunta rito? Sino ang pinagbantay mo sa iilang tupa natin doon sa ilang? Akala mo kung sino ka. Alam ko kung gaano ka kayabang. Pumunta ka lang dito para manood ng labanan.” 29 Sinabi ni David, “Ano ba ang ginawa ko? Nagtatanong lang ako.” 30 Tinalikuran niya si Eliab at nagtanong sa iba para linawin ang mga nalaman niya kanina at ganoon din ang sagot na natanggap niya.
31 Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David. Kaya ipinatawag niya ito. 32 Pagdating ni David, sinabi niya kay Saul, “Wala po ni isa man sa atin ang dapat na panghinaan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako na po na inyong lingkod ang makikipaglaban sa kanya.” 33 Sumagot si Saul, “Hindi mo kayang makipaglaban sa kanya. Bata ka pa, habang siyaʼy mandirigma na mula pa sa kanyang pagkabata.” 34 Pero sumagot si David, “Matagal na po akong nagbabantay sa mga tupa ng aking ama. Kung may leon o oso na tatangay sa mga tupa, 35 tinutugis ko po ito at binubugbog, at kinukuha ang tupa. Kung lalaban ito hinuhuli ko ito sa leeg[c] at hinahampas hanggang sa mamatay. 36 Nagawa ko po ito sa mga leon at oso, at gagawin ko rin ito sa Filisteong iyon na hindi nakakakilala sa Dios dahil hinahamon po niya ang mga sundalo ng buhay na Dios. 37 Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong iyon.”
Sinabi ni Saul kay David, “Sige, lumakad ka na. Patnubayan ka sana ng Dios.” 38 Ibinigay niya at ipinasuot kay David ang mga kasuotan niyang pandigma – ang tansong helmet at panangga sa dibdib. 39 Pagkatapos, isinukbit ni David ang espada ni Saul at sinubukang lumakad. Ngunit, dahil hindi pa siya sanay na gumamit ng mga ito, sinabi niya kay Saul, “Hindi po ako makikipaglaban na suot ang mga ito, hindi po ako sanay.” Kaya hinubad niya ang lahat ng ito. 40 Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang tungkod, pumulot ng limang makikinis na bato sa sapa at inilagay sa balat na lalagyan. Dala-dala ang kanyang tirador, lumapit siya kay Goliat.
41 Lumapit si Goliat kay David na pinangungunahan ng tagapagdala niya ng armas. 42 Nang makita niyang binatilyo lamang si David, magandang lalaki at may mamula-mulang pisngi, hinamak niya ito. 43 Sinabi niya kay David, “Aso ba ako at patpat iyang dala-dala mo?” At isinumpa niya si David sa ngalan ng kanyang mga dios. 44 Sinabi pa niya, “Lumapit ka rito at ipapakain ko ang bangkay mo sa mga ibon at sa mababangis na hayop!” 45 Sumagot si David, “Makikipaglaban ka sa akin na ang dalaʼy espada, sibat, at punyal, pero lalabanan kita sa pangalan ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng hukbo ng Israel na iyong hinahamon. 46 Sa araw na ito ibibigay ka sa akin ng Panginoon. Papatayin at pupugutan kita ng ulo. Ngayong araw ding ito, ang mga bangkay ng mga kasama mong Filisteo ay ipapakain ko sa mga ibon at mababangis na hayop, at malalaman ng buong mundo na may Dios ang Israel. 47 Malalaman ng lahat ng nagkakatipon dito na kayang iligtas ng Panginoon ang kanyang bayan kahit na walang espada o sibat. Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay niya kayong lahat sa amin.”
48 Habang lumalapit si Goliat sa kanya, patakbo naman siyang sinalubong ni David. 49 Kumuha siya ng bato sa kanyang lalagyan at tinirador sa noo si Goliat. Tumama ito at bumaon sa noo ni Goliat at natumba siya nang padapa sa lupa.
50 Kaya tinalo ni David si Goliat sa pamamagitan lang ng tirador at isang bato. Napatay niya si Goliat kahit wala siyang dalang espada. 51 Tumakbo siya papunta kay Goliat, kinuha ang espada nito at pinugutan ito ng ulo. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang mahusay nilang mandirigma, nagtakbuhan sila papalayo. 52 Sumugod ang mga sundalo ng Israel at Juda na sumisigaw, at hinabol nila ang mga Filisteo hanggang sa Gat[d] at Ekron. Nagkalat ang mga bangkay ng mga Filisteo sa daan ng Shaaraim hanggang sa Gat at Ekron. 53 Pagkatapos nilang habulin ang mga Filisteo, nagsibalik sila at sinamsam ang mga naiwan sa kampo ng mga Filisteo. 54 Dinala ni David ang ulo ni Goliat sa Jerusalem, at inilagay sa kanyang tolda ang mga armas ni Goliat.
55 Habang pinagmamasdan ni Saul si David na papalapit kay Goliat para makipaglaban, tinanong ni Saul si Abner, na kumander ng mga sundalo, “Abner, kaninong anak ang binatilyong iyan?” Sumagot si Abner, “Hindi ko po alam, Mahal na Hari.” 56 Sinabi ni Saul, “Alamin mo kung kanino siyang anak.”
57 Nang bumalik si David sa kampo nila matapos niyang mapatay si Goliat, dinala siya ni Abner kay Saul. Bitbit pa niya ang ulo ni Goliat. 58 Tinanong siya ni Saul, “Kanino kang anak, binata?” Sumagot si David, “Anak po ako ng inyong lingkod na si Jesse na taga-Betlehem.”
Footnotes
- 17:4 May siyam na talampakan: o, Mga tatlong metro. Sa Septuagint, anim na talampakan at siyam na pulgada.
- 17:26 na hindi nakakakilala sa Dios: sa literal, na hindi tuli. Ganito rin sa talatang 36.
- 17:34-35 leeg: Makikita ito sa Septuagint. Sa Hebreo, balbas.
- 17:52 Gat: Ito ay sa Septuagint, sa Hebreo, lambak.
1 Samuel 17
King James Version
17 Now the Philistines gathered together their armies to battle, and were gathered together at Shochoh, which belongeth to Judah, and pitched between Shochoh and Azekah, in Ephesdammim.
2 And Saul and the men of Israel were gathered together, and pitched by the valley of Elah, and set the battle in array against the Philistines.
3 And the Philistines stood on a mountain on the one side, and Israel stood on a mountain on the other side: and there was a valley between them.
4 And there went out a champion out of the camp of the Philistines, named Goliath, of Gath, whose height was six cubits and a span.
5 And he had an helmet of brass upon his head, and he was armed with a coat of mail; and the weight of the coat was five thousand shekels of brass.
6 And he had greaves of brass upon his legs, and a target of brass between his shoulders.
7 And the staff of his spear was like a weaver's beam; and his spear's head weighed six hundred shekels of iron: and one bearing a shield went before him.
8 And he stood and cried unto the armies of Israel, and said unto them, Why are ye come out to set your battle in array? am not I a Philistine, and ye servants to Saul? choose you a man for you, and let him come down to me.
9 If he be able to fight with me, and to kill me, then will we be your servants: but if I prevail against him, and kill him, then shall ye be our servants, and serve us.
10 And the Philistine said, I defy the armies of Israel this day; give me a man, that we may fight together.
11 When Saul and all Israel heard those words of the Philistine, they were dismayed, and greatly afraid.
12 Now David was the son of that Ephrathite of Bethlehemjudah, whose name was Jesse; and he had eight sons: and the man went among men for an old man in the days of Saul.
13 And the three eldest sons of Jesse went and followed Saul to the battle: and the names of his three sons that went to the battle were Eliab the firstborn, and next unto him Abinadab, and the third Shammah.
14 And David was the youngest: and the three eldest followed Saul.
15 But David went and returned from Saul to feed his father's sheep at Bethlehem.
16 And the Philistine drew near morning and evening, and presented himself forty days.
17 And Jesse said unto David his son, Take now for thy brethren an ephah of this parched corn, and these ten loaves, and run to the camp of thy brethren;
18 And carry these ten cheeses unto the captain of their thousand, and look how thy brethren fare, and take their pledge.
19 Now Saul, and they, and all the men of Israel, were in the valley of Elah, fighting with the Philistines.
20 And David rose up early in the morning, and left the sheep with a keeper, and took, and went, as Jesse had commanded him; and he came to the trench, as the host was going forth to the fight, and shouted for the battle.
21 For Israel and the Philistines had put the battle in array, army against army.
22 And David left his carriage in the hand of the keeper of the carriage, and ran into the army, and came and saluted his brethren.
23 And as he talked with them, behold, there came up the champion, the Philistine of Gath, Goliath by name, out of the armies of the Philistines, and spake according to the same words: and David heard them.
24 And all the men of Israel, when they saw the man, fled from him, and were sore afraid.
25 And the men of Israel said, Have ye seen this man that is come up? surely to defy Israel is he come up: and it shall be, that the man who killeth him, the king will enrich him with great riches, and will give him his daughter, and make his father's house free in Israel.
26 And David spake to the men that stood by him, saying, What shall be done to the man that killeth this Philistine, and taketh away the reproach from Israel? for who is this uncircumcised Philistine, that he should defy the armies of the living God?
27 And the people answered him after this manner, saying, So shall it be done to the man that killeth him.
28 And Eliab his eldest brother heard when he spake unto the men; and Eliab's anger was kindled against David, and he said, Why camest thou down hither? and with whom hast thou left those few sheep in the wilderness? I know thy pride, and the naughtiness of thine heart; for thou art come down that thou mightest see the battle.
29 And David said, What have I now done? Is there not a cause?
30 And he turned from him toward another, and spake after the same manner: and the people answered him again after the former manner.
31 And when the words were heard which David spake, they rehearsed them before Saul: and he sent for him.
32 And David said to Saul, Let no man's heart fail because of him; thy servant will go and fight with this Philistine.
33 And Saul said to David, Thou art not able to go against this Philistine to fight with him: for thou art but a youth, and he a man of war from his youth.
34 And David said unto Saul, Thy servant kept his father's sheep, and there came a lion, and a bear, and took a lamb out of the flock:
35 And I went out after him, and smote him, and delivered it out of his mouth: and when he arose against me, I caught him by his beard, and smote him, and slew him.
36 Thy servant slew both the lion and the bear: and this uncircumcised Philistine shall be as one of them, seeing he hath defied the armies of the living God.
37 David said moreover, The Lord that delivered me out of the paw of the lion, and out of the paw of the bear, he will deliver me out of the hand of this Philistine. And Saul said unto David, Go, and the Lord be with thee.
38 And Saul armed David with his armour, and he put an helmet of brass upon his head; also he armed him with a coat of mail.
39 And David girded his sword upon his armour, and he assayed to go; for he had not proved it. And David said unto Saul, I cannot go with these; for I have not proved them. And David put them off him.
40 And he took his staff in his hand, and chose him five smooth stones out of the brook, and put them in a shepherd's bag which he had, even in a scrip; and his sling was in his hand: and he drew near to the Philistine.
41 And the Philistine came on and drew near unto David; and the man that bare the shield went before him.
42 And when the Philistine looked about, and saw David, he disdained him: for he was but a youth, and ruddy, and of a fair countenance.
43 And the Philistine said unto David, Am I a dog, that thou comest to me with staves? And the Philistine cursed David by his gods.
44 And the Philistine said to David, Come to me, and I will give thy flesh unto the fowls of the air, and to the beasts of the field.
45 Then said David to the Philistine, Thou comest to me with a sword, and with a spear, and with a shield: but I come to thee in the name of the Lord of hosts, the God of the armies of Israel, whom thou hast defied.
46 This day will the Lord deliver thee into mine hand; and I will smite thee, and take thine head from thee; and I will give the carcases of the host of the Philistines this day unto the fowls of the air, and to the wild beasts of the earth; that all the earth may know that there is a God in Israel.
47 And all this assembly shall know that the Lord saveth not with sword and spear: for the battle is the Lord's, and he will give you into our hands.
48 And it came to pass, when the Philistine arose, and came, and drew nigh to meet David, that David hastened, and ran toward the army to meet the Philistine.
49 And David put his hand in his bag, and took thence a stone, and slang it, and smote the Philistine in his forehead, that the stone sunk into his forehead; and he fell upon his face to the earth.
50 So David prevailed over the Philistine with a sling and with a stone, and smote the Philistine, and slew him; but there was no sword in the hand of David.
51 Therefore David ran, and stood upon the Philistine, and took his sword, and drew it out of the sheath thereof, and slew him, and cut off his head therewith. And when the Philistines saw their champion was dead, they fled.
52 And the men of Israel and of Judah arose, and shouted, and pursued the Philistines, until thou come to the valley, and to the gates of Ekron. And the wounded of the Philistines fell down by the way to Shaaraim, even unto Gath, and unto Ekron.
53 And the children of Israel returned from chasing after the Philistines, and they spoiled their tents.
54 And David took the head of the Philistine, and brought it to Jerusalem; but he put his armour in his tent.
55 And when Saul saw David go forth against the Philistine, he said unto Abner, the captain of the host, Abner, whose son is this youth? And Abner said, As thy soul liveth, O king, I cannot tell.
56 And the king said, Enquire thou whose son the stripling is.
57 And as David returned from the slaughter of the Philistine, Abner took him, and brought him before Saul with the head of the Philistine in his hand.
58 And Saul said to him, Whose son art thou, thou young man? And David answered, I am the son of thy servant Jesse the Bethlehemite.
1 Samuel 17
New King James Version
David and Goliath
17 Now the Philistines gathered their armies together to battle, and were gathered at (A)Sochoh, which belongs to Judah; they encamped between Sochoh and Azekah, in Ephes Dammim. 2 And Saul and the men of Israel were gathered together, and they encamped in the Valley of Elah, and drew up in battle array against the Philistines. 3 The Philistines stood on a mountain on one side, and Israel stood on a mountain on the other side, with a valley between them.
4 And a champion went out from the camp of the Philistines, named (B)Goliath, from (C)Gath, whose height was six cubits and a span. 5 He had a bronze helmet on his head, and he was [a]armed with a coat of mail, and the weight of the coat was five thousand shekels of bronze. 6 And he had bronze armor on his legs and a bronze javelin between his shoulders. 7 Now the staff of his spear was like a weaver’s beam, and his iron spearhead weighed six hundred shekels; and a shield-bearer went before him. 8 Then he stood and cried out to the armies of Israel, and said to them, “Why have you come out to line up for battle? Am I not a Philistine, and you the (D)servants of Saul? Choose a man for yourselves, and let him come down to me. 9 If he is able to fight with me and kill me, then we will be your servants. But if I prevail against him and kill him, then you shall be our servants and (E)serve us.” 10 And the Philistine said, “I (F)defy the armies of Israel this day; give me a man, that we may fight together.” 11 When Saul and all Israel heard these words of the Philistine, they were dismayed and greatly afraid.
12 Now David was (G)the son of that (H)Ephrathite of Bethlehem Judah, whose name was Jesse, and who had (I)eight sons. And the man was old, advanced in years, in the days of Saul. 13 The three oldest sons of Jesse had gone to follow Saul to the battle. The (J)names of his three sons who went to the battle were Eliab the firstborn, next to him Abinadab, and the third Shammah. 14 David was the youngest. And the three oldest followed Saul. 15 But David occasionally went and returned from Saul (K)to feed his father’s sheep at Bethlehem.
16 And the Philistine drew near and presented himself forty days, morning and evening.
17 Then Jesse said to his son David, “Take now for your brothers an ephah of this dried grain and these ten loaves, and run to your brothers at the camp. 18 And carry these ten cheeses to the captain of their thousand, and (L)see how your brothers fare, and bring back news of them.” 19 Now Saul and they and all the men of Israel were in the Valley of Elah, fighting with the Philistines.
20 So David rose early in the morning, left the sheep with a keeper, and took the things and went as Jesse had commanded him. And he came to the camp as the army was going out to the fight and shouting for the battle. 21 For Israel and the Philistines had drawn up in battle array, army against army. 22 And David left his supplies in the hand of the supply keeper, ran to the army, and came and greeted his brothers. 23 Then as he talked with them, there was the champion, the Philistine of Gath, Goliath by name, coming up from the armies of the Philistines; and he spoke (M)according to the same words. So David heard them. 24 And all the men of Israel, when they saw the man, fled from him and were dreadfully afraid. 25 So the men of Israel said, “Have you seen this man who has come up? Surely he has come up to defy Israel; and it shall be that the man who kills him the king will enrich with great riches, (N)will give him his daughter, and give his father’s house exemption from taxes in Israel.”
26 Then David spoke to the men who stood by him, saying, “What shall be done for the man who kills this Philistine and takes away (O)the reproach from Israel? For who is this (P)uncircumcised Philistine, that he should (Q)defy the armies of (R)the living God?”
27 And the people answered him in this manner, saying, (S)“So shall it be done for the man who kills him.”
28 Now Eliab his oldest brother heard when he spoke to the men; and Eliab’s (T)anger was aroused against David, and he said, “Why did you come down here? And with whom have you left those few sheep in the wilderness? I know your pride and the insolence of your heart, for you have come down to see the battle.”
29 And David said, “What have I done now? (U)Is[b] there not a cause?” 30 Then he turned from him toward another and (V)said the same thing; and these people answered him as the first ones did.
31 Now when the words which David spoke were heard, they reported them to Saul; and he sent for him. 32 Then David said to Saul, (W)“Let no man’s heart fail because of him; (X)your servant will go and fight with this Philistine.”
33 And Saul said to David, (Y)“You are not able to go against this Philistine to fight with him; for you are a youth, and he a man of war from his youth.”
34 But David said to Saul, “Your servant used to keep his father’s sheep, and when a (Z)lion or a bear came and took a lamb out of the flock, 35 I went out after it and struck it, and delivered the lamb from its mouth; and when it arose against me, I caught it by its beard, and struck and killed it. 36 Your servant has killed both lion and bear; and this uncircumcised Philistine will be like one of them, seeing he has defied the armies of the living God.” 37 Moreover David said, (AA)“The Lord, who delivered me from the paw of the lion and from the paw of the bear, He will deliver me from the hand of this Philistine.”
And Saul said to David, (AB)“Go, and the Lord be with you!”
38 So Saul clothed David with his [c]armor, and he put a bronze helmet on his head; he also clothed him with a coat of mail. 39 David fastened his sword to his armor and tried to walk, for he had not tested them. And David said to Saul, “I cannot walk with these, for I have not tested them.” So David took them off.
40 Then he took his staff in his hand; and he chose for himself five smooth stones from the brook, and put them in a shepherd’s bag, in a pouch which he had, and his sling was in his hand. And he drew near to the Philistine. 41 So the Philistine came, and began drawing near to David, and the man who bore the shield went before him. 42 And when the Philistine looked about and saw David, he (AC)disdained[d] him; for he was only a youth, (AD)ruddy and good-looking. 43 So the Philistine (AE)said to David, “Am I a dog, that you come to me with sticks?” And the Philistine cursed David by his gods. 44 And the Philistine (AF)said to David, “Come to me, and I will give your flesh to the birds of the air and the beasts of the field!”
45 Then David said to the Philistine, “You come to me with a sword, with a spear, and with a javelin. (AG)But I come to you in the name of the Lord of hosts, the God of the armies of Israel, whom you have (AH)defied. 46 This day the Lord will deliver you into my hand, and I will strike you and take your head from you. And this day I will give (AI)the carcasses of the camp of the Philistines to the birds of the air and the wild beasts of the earth, (AJ)that all the earth may know that there is a God in Israel. 47 Then all this assembly shall know that the Lord (AK)does not save with sword and spear; for (AL)the battle is the Lord’s, and He will give you into our hands.”
48 So it was, when the Philistine arose and came and drew near to meet David, that David hurried and (AM)ran toward the army to meet the Philistine. 49 Then David put his hand in his bag and took out a stone; and he slung it and struck the Philistine in his forehead, so that the stone sank into his forehead, and he fell on his face to the earth. 50 So David prevailed over the Philistine with a (AN)sling and a stone, and struck the Philistine and killed him. But there was no sword in the hand of David. 51 Therefore David ran and stood over the Philistine, took his (AO)sword and drew it out of its sheath and killed him, and cut off his head with it.
And when the Philistines saw that their champion was dead, (AP)they fled. 52 Now the men of Israel and Judah arose and shouted, and pursued the Philistines as far as the entrance of [e]the valley and to the gates of Ekron. And the wounded of the Philistines fell along the road to (AQ)Shaaraim, even as far as Gath and Ekron. 53 Then the children of Israel returned from chasing the Philistines, and they plundered their tents. 54 And David took the head of the Philistine and brought it to Jerusalem, but he put his armor in his tent.
55 When Saul saw David going out against the Philistine, he said to (AR)Abner, the commander of the army, “Abner, (AS)whose son is this youth?”
And Abner said, “As your soul lives, O king, I do not know.”
56 So the king said, “Inquire whose son this young man is.”
57 Then, as David returned from the slaughter of the Philistine, Abner took him and brought him before Saul (AT)with the head of the Philistine in his hand. 58 And Saul said to him, “Whose son are you, young man?”
So David answered, (AU)“I am the son of your servant Jesse the Bethlehemite.”
Footnotes
- 1 Samuel 17:5 clothed with scaled body armor
- 1 Samuel 17:29 Lit. Is it not a word? or matter?
- 1 Samuel 17:38 Lit. clothes
- 1 Samuel 17:42 belittled
- 1 Samuel 17:52 So with MT, Syr., Tg., Vg.; LXX Gath
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
