Add parallel Print Page Options

At tawagin mo si Isai sa paghahain (A)at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; (B)at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.

At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang (C)may kapayapaan?

At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: (D)magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.

Read full chapter