Add parallel Print Page Options

Nagtipon ang mga Filisteo para makipagdigma sa mga Israelita. Mayroon silang 3,000[a] karwahe, 6,000 mangangabayo at mga sundalo na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Nagtipon sila at nagkampo sa Micmash, sa silangan ng Bet Aven. Nang makita ng mga Israelita na nanganganib ang sitwasyon nila, nagtago sila sa mga kweba, talahiban, mga batuhan, hukay at mga imbakan ng tubig. Ang iba sa kanilaʼy tumawid sa Ilog ng Jordan papuntang Gad at Gilead. Naiwan si Saul sa Gilgal, at nanginginig sa takot ang mga kasama niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:5 3,000: Ganito sa ibang mga teksto ng Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, 30,000.