Add parallel Print Page Options

14 Ngunit(A) dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy iyon. Si Yahweh ay pipili ng isang taong mula sa kanyang puso na maghahari sa Israel sapagkat hindi mo sinunod ang mga utos niya sa iyo.”

15 Pagkasabi nito'y umalis si Samuel at nagpunta sa Gibea, sa lupain ng Benjamin. Tinipon ni Saul ang natira niyang mga tauhan at umabot sa 600. 16 Sina Saul at Jonatan, pati ang kanilang mga tauhan ay nagkampo naman sa Gibea ng Benjamin samantalang nasa Micmas pa rin ang mga Filisteo.

Read full chapter