Add parallel Print Page Options

22 Dahil dito, itinanong nila kay Yahweh, “Pupunta po kaya siya rito?”

Sumagot si Yahweh, “Naroon siya sa bunton ng mga dala-dalahan at nagtatago.”

23 Siya'y patakbo nilang pinuntahan at dinala sa mga tao. Nang mapagitna siya sa karamihan, si Saul ang pinakamatangkad. 24 Sinabi ni Samuel sa mga tao, “Ito ang pinili ni Yahweh. Wala siyang katulad sa buong bayan.”

Sabay-sabay silang sumigaw, “Mabuhay ang hari!”

Read full chapter