Font Size
1 Samuel 1:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 1:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Nagbuntis siya at dumating ang araw na siya'y nagsilang ng isang sanggol na lalaki. Samuel[a] ang ipinangalan niya rito sapagkat ang sabi niya, “Hiningi ko siya kay Yahweh.”
21 Pagkalipas ng isang taon, si Elkana at ang kanyang sambahayan ay muling nagpunta sa Shilo upang ialay kay Yahweh ang taunang handog at upang tupdin ang kanyang panata. 22 Sinabi ni Ana kay Elkana, “Hindi na muna ako sasama sa inyo ngayon. Hihintayin ko na ang panahong maaari na siyang mahiwalay sa akin. Paglaki niya, dadalhin ko siya sa bahay ni Yahweh at doon na siya titira sa buong buhay niya.”
Read full chapterFootnotes
- 20 SAMUEL: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “pangalan ng Diyos”.