Add parallel Print Page Options

20 At dumating ang panahon na nagbuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel,[a] dahil sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”

Inihandog ni Hanna si Samuel

21 Muling dumating ang panahon na si Elkana at ang buo niyang pamilya ay maghahandog sa Panginoon gaya ng ginagawa nila taun-taon. Ito rin ang panahon na maghahandog siya bilang pagtupad sa panata niya sa Panginoon. 22 Pero hindi sumama si Hanna. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Kapag naawat na ang sanggol sa pagsuso sa akin, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon para ihandog sa kanya. Doon na siya titira sa buong buhay niya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:20 Samuel: Maaaring ang ibig sabihin, dininig ng Dios.