Add parallel Print Page Options

18 At sinabi niya, “Makatagpo nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin.” Sa gayo'y nagpatuloy ng kanyang lakad ang babae at kumain, at ang kanyang mukha'y hindi na malungkot.

Ipinanganak at Itinalaga si Samuel

19 Kinaumagahan, maaga silang bumangon at sumamba sa Panginoon, pagkatapos ay umuwi sa kanilang bahay sa Rama. At nakilala ni Elkana si Ana na kanyang asawa, at inalala siya ng Panginoon.

20 Sa takdang panahon, si Ana ay naglihi at nanganak ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Samuel.[a] Sapagkat sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 1:20 Samakatuwid ay hiningi sa Diyos .