1 Pedro 4 - 1 Juan 4
Ang Biblia (1978)
4 Kung paano ngang si (A)Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya (B)na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;
2 (C)Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa (D)mga masamang pita ng mga tao, (E)kundi sa kalooban ng Dios.
3 Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon (F)upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na (G)pagsamba sa mga diosdiosan:
4 Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, (H)kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:
5 Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang (I)humukom sa mga buhay at sa mga patay.
6 Sapagka't dahil dito'y (J)ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.
7 Nguni't (K)ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: (L)kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:
8 Na una sa lahat ay (M)maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; (N)sapagka't ang (O)pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:
9 (P)Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
10 Na (Q)ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting (R)katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;
11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga (S)aral ng Dios: (T)kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: (U)upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, (V)na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (W)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
13 Kundi kayo'y mangagalak, (X)sapagka't (Y)kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; (Z)upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
14 Kung kayo'y mapintasan (AA)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, (AB)o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:
16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na (AC)gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.
17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa (AD)bahay ng Dios: at (AE)kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?
18 At kung ang matuwid (AF)ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?
19 Kaya't (AG)ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa (AH)kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
5 Sa (AI)matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, (AJ)akong matandang kasamahan ninyo, at isang (AK)saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag:
2 Pangalagaan ninyo ang kawan (AL)ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni (AM)hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y (AN)may pagkapanginoon sa (AO)pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan.
4 At (AP)pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo (AQ)ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5 Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa (AR)matatanda. Oo, kayong (AS)lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y (AT)maglingkuran: sapagka't ang (AU)Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
6 Kaya't kayo'y mangagpakababa (AV)sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;
7 Na inyong ilagak sa kaniya (AW)ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban (AX)na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, (AY)yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
10 At ang Dios ng buong biyaya (AZ)na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas (BA)sa inyo.
11 Sumasakaniya nawa (BB)ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12 Sa pamamagitan ni (BC)Silvano, na tapat nating (BD)kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na (BE)biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito.
13 Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni (BF)Marcos na aking anak.
14 Mangagbatian kayo (BG)ng halik ng pagibig. (BH)Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.
1 Si Simon Pedro, na (BI)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (BJ)sa katuwiran (BK)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:
2 Biyaya at kapayapaan ang (BL)sa inyo'y dumami (BM)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;
3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (BN)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (BO)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (BP)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (BQ)kaalaman;
6 At sa kaalaman ay ang (BR)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (BS)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (BT)kabanalan;
7 At sa kabanalan ay ang (BU)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (BV)pagibig.
8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (BW)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (BX)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (BY)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (BZ)hindi kayo mangatitisod kailan man:
11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (CA)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.
12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (CB)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (CC)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.
13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (CD)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;
14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (CE)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.
15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.
16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (CF)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (CG)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (CH)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (CI)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (CJ)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (CK)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (CL)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
20 Na maalaman muna ito, na (CM)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (CN)ang hula kailanman: (CO)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
2 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (CP)mga bulaang propeta, na (CQ)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (CR)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (CS)ang Panginoon (CT)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
2 At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (CU)daan ng katotohanan.
3 At (CV)sa kasakiman sa mga (CW)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.
4 Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (CX)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (CY)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;
5 At ang dating sanglibutan ay (CZ)hindi pinatawad, datapuwa't (DA)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
6 At pinarusahan niya ng pagkalipol (DB)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:
7 At (DC)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (DD)pamumuhay ng masasama
8 (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (DE)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):
9 Ang (DF)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;
10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (DG)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (DH)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (DI)magsialipusta sa mga pangulo:
11 Samantalang ang (DJ)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.
12 Datapuwa't ang mga ito, na (DK)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
13 Na nangagbabata ng masama na (DL)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (DM)magpakalayaw kung araw, (DN)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (DO)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (DP)nangakikipagpiging sa inyo;
14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,
15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (DQ)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;
16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (DR)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (DS)mga ulap na tinatangay ng unos; (DT)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;
18 Sapagka't, (DU)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;
19 Na pinangangakuan ng (DV)kalayaan, (DW)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.
20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (DX)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (DY)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (DZ)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.
3 Ito nga ang ikalawang sulat, mga minamahal, na isinusulat ko sa inyo; at sa dalawa'y ginigising ko ang inyong (EA)tapat na pagiisip sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa inyo;
2 Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi (EB)nang una ng mga banal na propeta, at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol:
3 Na maalaman muna ito, (EC)na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, (ED)na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
4 At magsisipagsabi, (EE)Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
5 Sapagka't sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, (EF)sa pamamagitan ng salita ng Dios;
6 Na sa pamamagitan din nito (EG)ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak:
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa (EH)apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang (EI)isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
9 Hindi mapagpaliban (EJ)ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi (EK)mapagpahinuhod sa inyo, (EL)na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, (EM)kundi ang lahat ay magsipagsisi.
10 Datapuwa't darating (EN)ang araw ng Panginoon na gaya ng (EO)magnanakaw; na ang (EP)sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at (EQ)ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at (ER)ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (ES)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (ET)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
12 (EU)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (EV)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (EW)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (EX)na tinatahanan ng katuwiran.
14 (EY)Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong (EZ)masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.
15 At (FA)inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, (FB)na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.
17 Kaya nga, mga minamahal, yamang (FC)nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo (FD)sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.
18 Datapuwa't magsilago kayo (FE)sa biyaya at sa pagkakilala (FF)sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. (FG)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
1 Yaong (FH)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (FI)yaong nakita ng aming mga mata, (FJ)yaong aming namasdan, at (FK)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at (FL)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (FM)pinatotohanan, (FN)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (FO)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (FP)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (FQ)upang ang ating kagalakan ay malubos.
5 At (FR)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (FS)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating (FT)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (FU)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (FV)tayo (FW)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (FX)wala sa atin.
9 Kung ipinahahayag natin ang (FY)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (FZ)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
2 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay (GA)may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:
2 At (GB)siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan (GC)din naman.
3 At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung (GD)tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
4 (GE)Ang nagsasabing, (GF)Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, (GG)ay sinungaling, at ang katotohanan ay (GH)wala sa kaniya;
5 Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal (GI)ang pagibig ng Dios. (GJ)Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:
6 Ang nagsasabing siya'y (GK)nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.
7 Mga minamahal, (GL)wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos (GM)na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
8 Muli, (GN)isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; (GO)sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at (GP)ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.
9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hangga ngayon.
10 (GQ)Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y (GR)walang anomang kadahilanang ikatitisod.
11 Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.
12 Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang (GS)inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan.
13 Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula (GT)ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig (GU)ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama.
14 Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.
15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, (GV)ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. (GW)Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at (GX)ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
17 At (GY)ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.
18 Mumunting mga anak, (GZ)ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang (HA)anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
19 Sila'y nangagsilabas sa atin, (HB)nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin (HC)ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, (HD)upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
20 At (HE)kayo'y may pahid ng Banal, at (HF)nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.
21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi (HG)dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.
22 Sino ang sinungaling (HH)kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.
23 Ang sinomang (HI)tumatanggi sa Anak, (HJ)ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.
24 Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo (HK)naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama.
25 At ito ang pangakong (HL)kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.
26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.
27 At tungkol sa inyo, ang (HM)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (HN)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.
28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (HO)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (HP)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.
29 Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo (HQ)na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya.
3 Masdan ninyo (HR)kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y (HS)mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, (HT)sapagka't siya'y hindi nakilala nito.
2 Mga minamahal, (HU)ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa (HV)nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, (HW)tayo'y magiging katulad niya: (HX)sapagka't siya'y ating (HY)makikitang gaya ng kaniyang sarili.
3 At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya (HZ)ay naglilinis sa kaniyang sarili, (IA)gaya naman niyang malinis.
4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at (IB)ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.
5 At nalalaman ninyo na siya'y (IC)nahayag (ID)upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y (IE)walang kasalanan.
6 Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; (IF)sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, (IG)ni hindi man nakakilala sa kaniya.
7 Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid:
8 Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala (IH)ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, (II)upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
9 Ang sinomang (IJ)ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang (IK)kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't (IL)siya'y ipinanganak ng Dios.
10 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.
11 Sapagka't (IM)ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, (IN)na mangagibigan tayo sa isa't isa:
12 Hindi (IO)gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
13 Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan (IP)ng sanglibutan.
14 Nalalaman nating (IQ)tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
15 Ang sinomang (IR)napopoot sa kaniyang kapatid ay (IS)mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
16 (IT)Dito'y nakikilala natin ang pagibig, (IU)sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid.
17 Datapuwa't ang (IV)sinomang mayroong mga pagaari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait (IW)ang kaniyang awa, (IX)paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?
18 Mumunti kong mga anak, (IY)huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
19 Dito'y makikilala nating (IZ)tayo'y sa katotohanan, at (JA)papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya.
20 Sapagka't (JB)kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.
21 Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, (JC)ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
22 (JD)At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.
23 At ito ang kaniyang utos, (JE)na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.
24 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos (JF)ay mananahan sa kaniya, at (JG)siya ay sa kaniya. At (JH)dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.
4 Mga minamahal, (JI)huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, (JJ)kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't (JK)maraming nagsilitaw na (JL)mga bulaang propeta sa sanglibutan.
2 Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: (JM)ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay (JN)naparitong nasa laman ay sa Dios:
3 At ang (JO)bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; (JP)at ngayo'y nasa sanglibutan na.
4 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila (JQ)siyang nasa inyo (JR)kay sa nasa sanglibutan.
5 Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig (JS)ng sanglibutan.
6 Tayo nga'y sa Dios: (JT)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (JU)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.
7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.
8 (JV)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (JW)Dios ay pagibig.
9 (JX)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (JY)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (JZ)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.
10 Narito ang pagibig, (KA)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (KB)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
11 Mga minamahal, (KC)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.
12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (KD)kung tayo'y nangagiibigan, ang (KE)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:
13 Dito'y nakikilala natin na (KF)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.
14 At (KG)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (KH)ng Ama ang Anak upang maging (KI)Tagapagligtas ng sanglibutan.
15 Ang (KJ)sinomang nagpapahayag (KK)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.
16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (KL)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (KM)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
18 Walang takot sa pagibig: (KN)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
19 (KO)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
20 Kung sinasabi ng sinoman, (KP)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (KQ)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?
21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978