Add parallel Print Page Options

Gamitin Ninyo ang Kaloob na Ibinigay ng Dios

Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang sarili nʼyo para hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo. Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan. Tanggapin ninyo sa inyong tahanan ang isaʼt isa nang maluwag sa puso.

Read full chapter