Add parallel Print Page Options

15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, (A)o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na (B)gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa (C)bahay ng Dios: at (D)kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

Read full chapter