Add parallel Print Page Options

14 Kung kayo'y mapintasan (A)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, (B)o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na (C)gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

Read full chapter