Font Size
1 Pedro 4:12-14
Ang Salita ng Diyos
1 Pedro 4:12-14
Ang Salita ng Diyos
Pagdanas ng Hirap sa Pagiging Isang Kristiyano
12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo.
13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14 Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International