Add parallel Print Page Options

12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (A)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:

13 Kundi kayo'y mangagalak, (B)sapagka't (C)kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; (D)upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

14 Kung kayo'y mapintasan (E)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

Read full chapter