Add parallel Print Page Options

Sapagkat(A) ito ang isinasaad ng kasulatan:

“Tingnan ninyo, aking inilalagay sa Zion ang isang bato,
    isang batong panulok na pinili at mahalaga;
at sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”

Kaya't(B) sa inyo na nananampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi nananampalataya,

“Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    ay siyang naging puno ng panulok,”

at,(C)

“Isang batong nagpapatisod sa kanila,
    at malaking bato na nagpabagsak sa kanila.”

Sila'y natitisod dahil sa pagsuway sa salita, na dito naman sila itinalaga.

Read full chapter