Add parallel Print Page Options

12 Mamuhay kayong maayos sa gitna ng mga Gentil. Nagsa­salita sila laban sa inyo na tulad sa gumagawa ng masama. Subalit sa pagkakita nila ng inyong mabubuting gawa ay pupurihin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdalaw.

Pagpapasakop sa mga Namumuno at mga Panginoon

13 Magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon. Magpasakop kayo maging sa hari na siyang pinakamataas na pinuno.

14 Magpasakop kayo maging sa mga gobernador na waring mga sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid.

Read full chapter