Add parallel Print Page Options

10 Noong naka­raan, kayo ay hindi niya tao ngunit ngayon ay tao na ng Diyos. Noon ay hindi kayo nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.

11 Mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga pansa­mantalang naninirahan, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo ay lumayo sa masamang pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa. 12 Mamuhay kayong maayos sa gitna ng mga Gentil. Nagsa­salita sila laban sa inyo na tulad sa gumagawa ng masama. Subalit sa pagkakita nila ng inyong mabubuting gawa ay pupurihin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdalaw.

Read full chapter