Add parallel Print Page Options

Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atinsa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon. Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba’t ibang pagsubok. Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ika­pupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan.

Read full chapter