Add parallel Print Page Options

19 Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis. 20 Alam na ng Diyos ang patungkol sa kaniya noong una pa man, bago pa itinatag ang sanlibutan. Ngunit alang-alang sa inyo, nahayag siya sa mga huling araw na ito. 21 Sa pamamagitan niya, nanampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay at nagbigay kaluwalhatian sa kaniya. Kaya nga, ang inyong pananampalataya at pag-asa ay mapasa-Diyos.

Read full chapter