Add parallel Print Page Options

Magpakabanal Kayo

13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong isipan gaya ng pagkabigkis ng baywang. Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip. Lubos kayong umasa sa biyayang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesucristo.

14 Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong makiayon pa sa dating masidhing pita noong kayo ay wala pang pang-unawa. 15 At sapagkat ang tumawag sa inyo ay banal, magpakabanal din kayong tulad niya sa lahat ng inyong pag-uugali.

Read full chapter