Add parallel Print Page Options

21 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, (A)na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila (B)nagtindig si Salomon ng pulutong (C)ng alipin, hanggang sa araw na ito.

22 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; (D)kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, (E)na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

Read full chapter