Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

15 Sapagka't kaniyang tinabas ang (A)dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa.

16 At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko.

17 May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel.

18 Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel.

19 At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi (B)sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko.

20 At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel.

21 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin:[a] at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz.[b]

22 At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.

Read full chapter

Notas al pie

  1. 1 Mga Hari 7:21 Sa makatuwid baga'y kaniyang pagtitibayin.
  2. 1 Mga Hari 7:21 Sa makatuwid baga'y sa Kaniya ang katibayan.