Add parallel Print Page Options

11 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;

12 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: (A)narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't (B)walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.

13 At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang (C)kayamanan at gayon din ang karangalan, (D)na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.

14 At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

Read full chapter

25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (A)nagpapalimos ng tinapay.

Read full chapter

30 Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan (A)ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.

Read full chapter

Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, (A)na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.

Read full chapter