Add parallel Print Page Options

43 (A)At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

44 (B)At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.

45 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, (C)di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

Read full chapter