Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag ni Micaya

13 Sinabi ng sugong pinapunta kay Micaya, “Iisa ang sinasabi ng lahat ng mga propeta: magtatagumpay ang hari. Ganoon din ang sabihin mo!”

14 Sumagot si Micaya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] kung ano ang sabihin niya sa akin, iyon din ang aking sasabihin.”

15 Pagdating niya sa harapan ng hari, siya'y tinanong, “Micaya, sasalakayin ba namin ang Ramot-gilead?”

“Salakayin po ninyo at magwawagi kayo. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 22:14 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .