Add parallel Print Page Options

29 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: (A)kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.

Read full chapter

Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid.

At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.

Read full chapter

12 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay.

Read full chapter

11 Kaya't dinala ng (A)Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.

12 At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang.

Read full chapter