Add parallel Print Page Options

17 At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, (A)Di ba ikaw, ang (B)mangbabagabag sa Israel?

18 At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay (C)sumunod kay Baal.

19 Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng (D)Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni (E)Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni (F)Jezabel.

Read full chapter