Font Size
1 Mga Hari 18:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 18:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Elias at ang mga Propeta ni Baal
18 Pagkalipas ng ilang panahon, nang ikatlong taon na ng tagtuyot, sinabi ni Yahweh kay Elias, “Pumunta ka na kay Ahab. Malapit na akong magpadala ng ulan sa lupaing ito.” 2 At nagpunta nga si Elias kay Ahab.
Napakatindi noon ng taggutom sa Samaria, 3 kaya ipinatawag ni Ahab si Obadias, ang tagapangasiwa ng palasyo. Si Obadias ay may takot kay Yahweh.
Read full chapter