Font Size
1 Mga Hari 16:15-17
Magandang Balita Biblia
1 Mga Hari 16:15-17
Magandang Balita Biblia
Ang Paghahari ni Zimri
15 Naging hari naman ng Israel si Zimri noong ika-27 taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Naghari siya sa Tirza sa loob lamang ng pitong araw. Pinalibutan at nilusob noon ng hukbong Israel ang lunsod ng Gibeton sa Filistia at nang 16 mabalitaan nila ang pagtataksil ni Zimri at ang pagkamatay ng hari, pinagkaisahan nilang gawing hari si Omri, ang pinuno ng hukbo. 17 Iniwan nga nila ang Gibeton, at kinubkob ang Tirza.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.