Add parallel Print Page Options

26 Siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, at lumakad sa landas ng kanyang ama, at sa kanyang kasalanan na sanhi ng pagkakasala ng Israel.

27 Si Baasa na anak ni Ahia, sa sambahayan ni Isacar ay nakipagsabwatan laban sa kanya; at sinaktan siya ni Baasa sa Gibeton, na sakop ng mga Filisteo; sapagkat kinukubkob ni Nadab at ng buong Israel ang Gibeton.

28 Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda ay pinatay si Nadab[a] ni Baasa, at naghari na kapalit niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 15:28 Sa Hebreo ay siya .