1 Mga Hari 13
Ang Biblia (1978)
Si Jeroboam ay pinaalalahanan ng isang propeta na mula sa Juda.
13 At, narito, dumating ang (A)isang lalake ng Dios na mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Beth-el: at si Jeroboam ay nakatayo sa siping ng dambana upang magsunog ng kamangyan.
2 At siya'y sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon, at nagsabi, Oh dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, isang bata'y ipanganganak sa sangbahayan ni David (B)na ang pangalan ay Josias: at sa iyo'y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo, at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo.
3 At siya'y nagbigay ng (C)tanda nang araw ding yaon, na nagsasabi, Ito ang tanda na sinalita ng Panginoon: Narito, ang dambana ay mababaak, at ang mga abo na nasa ibabaw ay mabubuhos.
4 At nangyari, nang marinig ng hari ang sabi ng lalake ng Dios, na kaniyang isinigaw laban sa dambana sa Beth-el, na iniunat ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa dambana, na sinasabi, Hulihin siya. At ang kaniyang kamay na kaniyang iniunat laban sa kaniya ay natuyo, na anopa't hindi niya napanauli sa dati.
5 Ang dambana naman ay nabaak, at ang mga abo ay nabuhos mula sa dambana, ayon sa tanda na ibinigay ng lalake ng Dios ayon sa salita ng Panginoon.
6 At ang hari ay sumagot, at nagsabi sa lalake ng Dios, (D)Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios, at idalangin mo ako, upang ang aking kamay ay gumaling. At idinalangin ng lalake ng Dios sa Panginoon, at ang kamay ng hari ay gumaling uli, at naging gaya ng dati.
7 At sinabi ng hari sa lalake ng Dios, Umuwi kang kasama ko, at kumain ka, at bibigyan kita ng (E)kagantihan.
8 At sinabi ng lalake ng Dios sa hari, (F)Kung ang ibibigay mo sa akin ay kalahati ng iyong bahay ay hindi ako yayaong kasama mo, o kakain man ako ng tinapay o iinom man ako ng tubig sa dakong ito:
9 Sapagka't gayon ibinilin sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na sinasabi, Huwag kang kakain ng tinapay, o iinom man ng tubig, ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan.
10 Sa gayo'y yumaon siya sa ibang daan, at hindi na bumalik sa daan na kaniyang pinanggalingan sa Beth-el.
Ang propeta ay inakay sa pagsalangsang; at siya ay pinatay ng leon.
11 Tumatahan nga ang isang matandang propeta sa (G)Beth-el; at isa sa kaniyang mga anak ay naparoon, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng mga gawa na ginawa ng lalake ng Dios sa araw na yaon sa Beth-el: ang mga salita na kaniyang sinalita sa hari, ay siya ring isinaysay nila sa kanilang ama.
12 At sinabi ng kanilang ama sa kanila, Saan siya napatungo? At itinuro sa kaniya ng kaniyang mga anak ang daang pinatunguhan ng lalake ng Dios na nanggaling sa Juda.
13 At sinabi niya sa kaniyang mga anak, Siyahan ninyo sa akin ang asno. Sa gayo'y kanilang siniyahan ang asno sa kaniya: at kaniyang sinakyan.
14 At kaniyang sinundan ang lalake ng Dios, at nasumpungan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng encina: at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ba ang lalake ng Dios na nanggaling sa Juda? At sinabi niya, Ako nga.
15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Umuwi kang kasama ko, at kumain ng tinapay.
16 At sinabi niya, Hindi ako makababalik na kasama mo, o makapapasok na kasama mo: ni makakakain man ng tinapay o makaiinom man ng tubig na kasalo mo sa dakong ito:
17 Sapagka't isinaysay sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. Huwag kang kakain ng tinapay o iinom man ng tubig doon, o babalik man na yumaon sa daan na iyong pinanggalingan.
18 At sinabi niya sa kaniya, Ako man ay propeta na gaya mo; at isang anghel ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na nagsasabi, Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay, upang siya'y makakain ng tinapay at makainom ng tubig. Nguni't siya'y nagbulaan sa kaniya.
19 Sa gayo'y bumalik na kasama niya, at kumain ng tinapay sa kaniyang bahay at uminom ng tubig.
20 At nangyari, samantalang sila'y nauupo sa dulang, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta na nagpabalik sa kaniya:
21 At siya'y sumigaw sa lalake ng Dios na nanggaling sa Juda, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sa paraang ikaw ay naging manunuway sa bibig ng Panginoon, at hindi mo iningatan ang utos na iniutos ng Panginoon sa iyo,
22 Kundi ikaw ay bumalik at kumain ng tinapay, at uminom ng tubig sa dakong kaniyang pinagsabihan sa iyo: Huwag kang kumain ng tinapay, at huwag kang uminom ng tubig; ang iyong bangkay ay hindi darating sa libingan ng iyong mga magulang.
23 At nangyari, pagkatapos na makakain ng tinapay, at pagkatapos na makainom, na siniyahan niya ang asno para sa kaniya, sa makatuwid baga'y, para sa propeta na kaniyang pinabalik.
24 At nang siya'y makayaon, isang leon ay (H)nasalubong niya sa daan, at pinatay siya: at ang kaniyang bangkay ay napahagis sa daan, at ang asno ay nakatayo sa siping; ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay.
25 At, narito, may mga taong nagsipagdaan, at nakita ang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon ay nakatayo sa siping ng bangkay: at sila'y yumaon at isinaysay nila sa bayan na (I)kinatatahanan ng matandang propeta.
26 At nang marinig ng propeta na nagpabalik sa kaniya sa daan, sinabi niya: Lalake nga ng Dios, na naging masuwayin sa bibig ng Panginoon, kaya't ibinigay siya ng Panginoon sa leon, na lumapa sa kaniya at pumatay sa kaniya ayon sa salita ng Panginoon, na sinalita sa kaniya.
27 At sinalita niya sa kaniyang mga anak na sinasabi, Siyahan ninyo sa akin ang asno. At kanilang siniyahan.
28 At siya'y yumaon, at nasumpungan ang kaniyang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon at ang asno ay nakatayo sa siping ng bangkay: hindi nilamon ng leon ang bangkay, o nilapa man ang asno.
29 At kinuha ng propeta ang bangkay ng lalake ng Dios, at ipinatong sa asno, at ibinalik: at naparoon sa bayan ng matandang propeta, upang tumangis, at ilibing siya.
30 At inilagay niya ang kaniyang bangkay sa kaniyang sariling libingan; at kanilang tinangisan siya, na sinasabi, (J)Ay kapatid ko!
31 At nangyari, pagkatapos na kaniyang mailibing, na siya'y nagsalita sa kaniyang mga anak, na sinasabi, Pagka ako'y namatay, ilibing nga ninyo ako sa libingan na pinaglibingan sa lalake ng Dios: (K)ilagay ninyo ang aking mga buto sa siping ng kaniyang mga buto.
32 Sapagka't ang sabi (L)na kaniyang isinigaw sa pamamagitan ng salita ng Panginoon laban sa dambana sa Beth-el, at laban sa lahat ng mga (M)bahay sa mga mataas na dako na nangasa mga bayan ng (N)Samaria, ay walang pagsalang mangyayari.
Mga saserdote ni Jeroboam.
33 Pagkatapos ng bagay na ito, si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kaniyang masamang lakad, kundi gumawa (O)uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako: sinomang may ibig, kaniyang (P)itinatalaga upang magkaroon ng mga saserdote sa mga mataas na dako.
34 At ang bagay na ito ay naging kasalanan sa sangbahayan ni Jeroboam, kaya't (Q)inihiwalay at nilipol sa ibabaw ng lupa.
1 Kings 13
Holman Christian Standard Bible
Judgment on Jeroboam
13 A man of God(A) came from Judah to Bethel by a revelation from the Lord while Jeroboam was standing beside the altar to burn incense.(B) 2 The man of God cried out against the altar by a revelation from the Lord: “Altar, altar, this is what the Lord says, ‘A son will be born to the house of David, named Josiah, and he will sacrifice on you the priests of the high places who are burning incense on you. Human bones will be burned on you.’”(C) 3 He gave a sign(D) that day. He said, “This is the sign that the Lord has spoken: ‘The altar will now be ripped apart, and the ashes that are on it will be poured out.’”(E)
4 When the king heard the word that the man of God had cried out against the altar at Bethel, Jeroboam stretched out his hand from the altar and said, “Arrest him!” But the hand he stretched out against him withered, and he could not pull it back to himself. 5 The altar was ripped apart, and the ashes poured from the altar, according to the sign that the man of God had given by the word of the Lord.
6 Then the king responded to the man of God, “Plead for the favor of the Lord your God and pray for me(F) so that my hand may be restored to me.” So the man of God pleaded for the favor of the Lord, and the king’s hand was restored to him and became as it had been at first.
7 Then the king declared to the man of God, “Come home with me, refresh yourself, and I’ll give you a reward.”(G)
8 But the man of God replied, “If you were to give me half your house,(H) I still wouldn’t go with you, and I wouldn’t eat bread or drink water in this place, 9 for this is what I was commanded by the word of the Lord:(I) ‘You must not eat bread or drink water or go back the way you came.’” 10 So he went another way; he did not go back by the way he had come to Bethel.
The Old Prophet and the Man of God
11 Now a certain old prophet was living in Bethel.(J) His son[a] came and told him all the deeds that the man of God had done that day in Bethel. His sons also told their father the words that he had spoken to the king.(K) 12 Then their father said to them, “Which way did he go?” His sons had seen[b] the way taken by the man of God who had come from Judah. 13 Then he said to his sons, “Saddle the donkey for me.” So they saddled the donkey for him, and he got on it. 14 He followed the man of God and found him sitting under an oak tree. He asked him, “Are you the man of God who came from Judah?”
“I am,” he said.
15 Then he said to him, “Come home with me and eat bread.”
16 But he answered, “I cannot go back with you, eat bread, or drink water with you in this place, 17 for a message came to me by the word of the Lord: ‘You must not eat bread or drink water there(L) or go back by the way you came.’”
18 He said to him, “I am also a prophet(M) like you. An angel spoke to me by the word of the Lord: ‘Bring him back with you to your house so that he may eat bread and drink water.’” The old prophet deceived him,(N) 19 and the man of God went back with him, ate bread in his house, and drank water.
20 While they were sitting at the table, the word of the Lord came to the prophet who had brought him back, 21 and the prophet cried out to the man of God who had come from Judah, “This is what the Lord says: ‘Because you rebelled against the command of the Lord and did not keep the command that the Lord your God commanded you— 22 but you went back and ate bread and drank water in the place that He said to you, “Do not eat bread and do not drink water”—(O) your corpse will never reach the grave of your fathers.’”(P)
23 So after he had eaten bread and after he had drunk, the old prophet saddled the donkey for the prophet he had brought back. 24 When he left,[c] a lion attacked[d] him along the way and killed him.(Q) His corpse was thrown on the road, and the donkey was standing beside it; the lion was standing beside the corpse too.
25 There were men passing by who saw the corpse thrown on the road and the lion standing beside it, and they went and spoke about it in the city where the old prophet lived. 26 When the prophet who had brought him back from his way heard about it, he said, “He is the man of God who disobeyed the command of the Lord. The Lord has given him to the lion, and it has mauled and killed him, according to the word of the Lord that He spoke to him.”
27 Then the old prophet instructed his sons, “Saddle the donkey for me.” They saddled it,(R) 28 and he went and found the corpse of the man of God thrown on the road with the donkey and the lion standing beside the corpse. The lion had not eaten the corpse or mauled the donkey. 29 So the prophet lifted the corpse of the man of God and laid it on the donkey and brought it back. The old prophet came into the city to mourn and bury him. 30 Then he laid the corpse in his own grave,(S) and they mourned over him: “Oh, my brother!”(T)
31 After he had buried him, he said to his sons, “When I die, you must bury me in the grave where the man of God is buried; lay my bones beside his bones, 32 for the word that he cried out by a revelation from the Lord against the altar in Bethel(U) and against all the shrines of the high places(V) in the cities of Samaria(W) is certain to happen.”(X)
33 After all this(Y) Jeroboam did not repent(Z) of his evil way but again set up priests for the high places from every class of people.(AA) He ordained whoever so desired it, and they became priests of the high places.(AB) 34 This was the sin that caused the house of Jeroboam to be wiped out and annihilated from the face of the earth.(AC)
Footnotes
- 1 Kings 13:11 Some Hb mss, LXX, Syr, Vg read sons
- 1 Kings 13:12 LXX, Syr, Tg, Vg read sons showed him
- 1 Kings 13:24 LXX reads donkey, and he turned 24 and left, and
- 1 Kings 13:24 Lit met
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1999, 2000, 2002, 2003, 2009 by Holman Bible Publishers, Nashville Tennessee. All rights reserved.
