Font Size
1 Mga Hari 12:18-20
Magandang Balita Biblia
1 Mga Hari 12:18-20
Magandang Balita Biblia
18 Pagkatapos, pinapunta niya sa sampung lipi si Adoniram,[a] ang tagapangasiwa ng sapilitang pagtatrabaho, ngunit ito ay pinagbabato nila hanggang mamatay. Kaya't nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas patungo sa Jerusalem. 19 Magmula noon, patuloy na naghimagsik ang sampung lipi ng Israel sa paghahari ng angkan ni David.
Paghiwalay sa Pamahalaan(A)
20 Nang marinig ng pinuno ng Israel na bumalik na si Jeroboam, siya'y ipinatawag nila sa kapulungan ng bayan at ginawang hari ng sampung lipi ng Israel. Ang lipi lamang ni Juda ang nanatili sa angkan ni David.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 12:18 Adoniram: Sa ibang manuskrito'y Adoram .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.