Font Size
1 Mga Hari 12:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 12:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Nang(A) makita ng mga taong-bayan na ayaw silang pakinggan ng hari ay sinabi nila, “Umuwi na tayo, O Israel! Ano bang mapapala natin kay David? Ano bang nagawa para sa atin ng anak ni Jesse? Pabayaan na natin ang sambahayan ni David!”
Umuwi na nga sa kani-kanilang tahanan ang sampung lipi ng Israel. 17 Ang mga naninirahan lamang sa mga lunsod ng Juda ang nanatiling sakop ni Rehoboam.
18 Pagkatapos, pinapunta niya sa sampung lipi si Adoniram,[a] ang tagapangasiwa ng sapilitang pagtatrabaho, ngunit ito ay pinagbabato nila hanggang mamatay. Kaya't nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas patungo sa Jerusalem.
Read full chapterFootnotes
- 18 Adoniram: Sa ibang manuskrito'y Adoram .