Add parallel Print Page Options

Ang Pagdalaw ng Reyna ng Seba(A)

10 Nabalitaan(B) ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon.[a] Kaya't nagsadya siya upang subukin ito sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. Dumating siya sa Jerusalem na may kasamang maraming alalay at may dalang maraming kayamanan: mga kamelyo na may kargang iba't ibang uri ng pabango, napakaraming ginto at batong hiyas. At nang makaharap na siya ni Solomon, sinabi niya ang kanyang pakay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 katanyagan ni Solomon: o kaya'y ang kaalaman ni Solomon tungkol kay Yahweh .