Font Size
1 Mga Hari 1:38-40
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 1:38-40
Ang Biblia (1978)
38 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga (A)Ceretheo, at ang mga (B)Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
39 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa (C)Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. (D)At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay (E)nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
40 At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978