Add parallel Print Page Options

33 At sinabi ng hari sa kanila, (A)Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at (B)ilusong ninyo siya sa (C)Gihon.

34 At pahiran siya ng langis doon ni (D)Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y (E)magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.

35 Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.

36 At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.

37 Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon (F)at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.

38 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga (G)Ceretheo, at ang mga (H)Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.

39 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa (I)Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. (J)At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay (K)nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.

Read full chapter