Font Size
1 Macabeo 7:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Macabeo 7:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
36 Nanangis na pumasok sa Templo ang mga pari at sa harap ng dambana ay nanalangin, 37 “Panginoon, pinili mo ang Templong ito para magtaglay ng iyong pangalan, upang dito ka katagpuin at dalanginan ng mga hinirang mo. 38 Ipaghiganti mo kami sa taong ito at sa kanyang hukbo. Bayaan mo silang malipol sa labanan. Huwag mong pahintulutan na lagi ka nilang lapastanganin.”
Read full chapter