Add parallel Print Page Options

Ang Paglilinis ng Templo(A)

36 Sa gitna ng ganitong tagumpay, sinabi ni Judas at ng mga kapatid niya, “Ngayong nagapi na ang mga kaaway, kailangang linisin natin ang Templo at muling italaga ito.”

Read full chapter

52 Nang(A) ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan ng taóng 148, 53 maagang-maaga silang bumangon at naghandog sa bagong altar ng mga haing susunugin, ayon sa itinakda ng kautusan ng Diyos. 54 Sa araw na iyon ay itinalaga nilang muli ang Templo sa gitna ng awitang kasaliw ang mga kudyapi, plauta at pompiyang. Ganito ring araw nang lapastanganin ng mga Hentil ang Templo. 55 Lahat ay nagpatirapa, sumamba, at nagpuri sa Diyos na lumingap at pumatnubay sa kanila.

56 Walong araw silang nagdiwang sa pagtatalagang ito; tuwang-tuwa silang nag-alay ng mga handog na susunugin. Nag-alay din sila ng handog para sa pagkakaligtas at handog pasasalamat sa Diyos. 57 Bilang palamuti, ang labas ng Templo ay nilagyan ng mga koronang ginto at maliliit na kalasag. Inayos nila at nilagyan ng mga pinto ang mga silid ng mga pari. 58 Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. 59 Ipinasya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayon ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng Templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan.

Read full chapter

Tinanggap ang Handog ni Nehemias

18 “Sa ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan, ipagdiriwang namin ang pagdalisay sa Templo, kaya naisip naming balitaan kayo, upang ipagdiwang naman ninyo ang Pista ng mga Tolda at inyong maalala ang paglitaw ng apoy na tumupok sa inialay na handog ni Nehemias matapos na muli niyang itayo ang Templo at ang altar.

Read full chapter

Nang ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan, araw rin nang lapastanganin ng mga Hentil ang Templo, idinaos nila ang muling pagtatalaga sa Templo.

Read full chapter