Add parallel Print Page Options

Ang mga Pagtatagumpay ni Judas(A)

38 Samantala, si Lisias ay pumili ng kanyang makakatulong. Kinuha niya si Tolomeo na anak ni Dorimenes at ang dalawa sa mga kaibigan ng hari, sina Nicanor at Gorgias. 39 Sila ang pinamahala sa 40,000 sundalo at 7,000 na hukbong nakakabayo upang lusubin at wasakin ang Juda bilang pagsunod sa utos ng hari. 40 Nang handa na ang lahat, lumakad ang hukbo at pagdating sa kapatagan ay humimpil muna sa malapit sa Emaus. 41 Ang kahusayan ng hukbong ito'y nabalitaan ng mga mangangalakal doon, at hindi pa ma'y pumunta na sila sa himpilan. May dala silang mga tanikala at malaking halaga ng pilak at ginto upang bilhin ang mga Israelita bilang mga alipin. Isang pangkat ng mga taga-Siria[a] at Filistia ang sumama sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 41 Taga-Siria: Sa ibang manuskrito'y taga-Idumea .