Add parallel Print Page Options

Dinala sa Templo ang Kaban ng Tipan(A)

Ang(B) pinuno ng Israel at ang mga pinuno ng mga lipi at ng mga angkan ng Israel ay ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem upang kunin ang Kaban ng Tipan sa Zion, ang lunsod ni David. Kaya(C) nagpunta kay Solomon ang mga pinuno ng Israel noong kapistahan ng ikapitong buwan ng taon. Nang naroon na ang lahat, binuhat ng mga pari ang Kaban ng Tipan. Tinulungan sila ng mga Levita sa pagdadala ng Kaban ng Tipan, ng Tolda, at ng mga kagamitang naroroon. Hindi mabilang ang mga baka at tupang inihandog ni Haring Solomon at ng buong Israel sa harap ng Kaban ng Tipan. Pagkatapos, ipinasok ng mga pari ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin. Nakabuka ang pakpak ng mga kerubin, kaya't nalulukuban ng mga iyon ang Kaban ng Tipan at ang mga pasanan nito. Lampas sa Kaban ang mga dulo ng pasanan, kaya't kitang-kita sa Dakong Banal, sa harap ng Dakong Kabanal-banalan; ngunit hindi nakikita sa labas. Naroon pa ang mga pasanan hanggang sa panahong ito. Walang(D) ibang laman ang Kaban kundi ang dalawang tapyas ng batong inilagay roon ni Moises noong sila'y nasa Sinai.[a] Ito ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng kasunduang ginawa ni Yahweh sa bayang Israel noong umalis sila sa lupain ng Egipto.

Ang Templo'y Napuno ng Kaluwalhatian ni Yahweh

10 Pagkalabas(E) ng mga pari, ang Templo'y napuno ng ulap; 11 kaya't hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

12 Kaya't(F) sinabi ni Solomon:
“O Yahweh, kayo ang naglagay ng araw sa langit,
    ngunit minabuti ninyong manirahan sa makapal na ulap.
13 Ipinagtayo ko kayo ng isang kahanga-hangang Templo,
    isang bahay na titirhan ninyo habang panahon.”

Nagpuri si Solomon kay Yahweh(G)

14 Pagkatapos, humarap si Solomon sa buong bayan at sila'y binasbasan. 15 Wika niya, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon, 16 ‘Mula(H) pa nang ilabas ko sa Egipto ang aking bayang Israel hanggang ngayon, hindi ako pumili ng alinmang lunsod sa labindalawang lipi upang ipagtayo ako ng Templo na kung saa'y sasambahin ang aking pangalan. Ngunit pinili ko si David upang mamuno sa aking bayan.’

17 “Binalak(I) ng aking ama na ipagtayo ng Templo si Yahweh, ang Diyos ng Israel. 18 Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, ‘Maganda ang balak mong magtayo ng Templo para sa akin, 19 subalit(J) hindi ikaw ang magtatayo niyon. Ang iyong magiging anak ang siyang magtatayo ng Templo para sa ikararangal ng aking pangalan.’

20 “Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naupo sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo para sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. 21 Naglaan ako roon ng lugar para sa Kaban na kinalalagyan ng Tipan na ibinigay ni Yahweh sa ating mga ninuno nang sila'y ilabas niya sa Egipto.”

Ang Panalangin ni Solomon(K)

22 Pagkatapos nito, sa harapan pa rin ng buong bayan, tumayo si Solomon sa harap ng altar. Itinaas niya ang mga kamay, 23 at nanalangin ng ganito:

“Yahweh, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa'y walang ibang Diyos na tulad ninyo. Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong mga alipin; wagas ang pag-ibig na ipinadarama ninyo sa kanila habang sila'y nananatiling tapat sa inyo. 24 Tinupad ninyo ang inyong pangako sa aking amang si David; ang ipinangako ninyo noon ay tinupad ninyo ngayon. 25 Kaya(L) nga Yahweh, ipagpatuloy ninyong tuparin ang inyong pangako kay David na sa habang panahon ay magmumula sa kanyang angkan ang maghahari sa Israel, kung sila'y mananatiling tapat sa inyo gaya ng ginawa niya. 26 Pagtibayin ninyo, Diyos ng Israel, ang mga pangakong binitiwan ninyo sa aking amang si David na inyong alipin.

27 “Maaari(M) bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo! 28 Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin. 29 Huwag(N) ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang kayo ang maysabi na ang pangalan ninyo'y mamamalagi rito. Sa gayon maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing mananalangin sa lugar na ito.

30 “Pakinggan po ninyo ang inyong lingkod at ang inyong bayang Israel tuwing kami'y mananalanging paharap sa lugar na ito. Pakinggan ninyo kami buhat sa inyong tahanan sa langit at patawarin ninyo kami!

31 “Kapag nagkasala sa kanyang kapwa ang isang tao, at siya'y pinanumpa sa harap ng inyong altar sa Templong ito, 32 pakinggan ninyo sila buhat sa langit at kayo ang humatol sa kanila. Parusahan ninyo ang nagkasala at pagpalain ninyo ang walang kasalanan.

33 “Kapag natalo ng kanilang mga kaaway ang bayan ninyong Israel dahil sa pagtalikod nila sa inyo, sa sandaling magbalik-loob sila sa inyo, kumilala sa inyong kapangyarihan, nanalangin at nanawagan sa inyo sa Templong ito, 34 pakinggan ninyo sila at patawarin. Ibalik ninyo sila sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.

35 “Kapag ang langit ay nagkait ng ulan sapagkat nagkasala sa inyo ang bayang Israel, kung sila'y manalangin sa Templong ito at magpuri sa inyong pangalan, kapag sila'y nagsisi sa kanilang kasalanan sa pagkakilalang iyon ang dahilan ng inyong pagpaparusa, 36 pakinggan ninyo sila, Yahweh. Patawarin ninyo ang inyong mga alipin, ang bayang Israel. Ituro ninyo sa kanila ang landas na dapat nilang lakaran. Ibuhos na ninyo ang ulan sa lupaing ibinigay ninyo sa inyong bayan.

37 “Kung lumaganap sa lupain ang gutom at salot, kung malanta at matuyo ang mga halaman, kung ang mga ito'y salantain ng uod at balang, kapag ang alinman sa kanilang lunsod ay kinubkob ng kaaway, 38 pakinggan ninyo ang kanilang dalangin. Sa sandaling sila'y magsisi at iunat ang kanilang mga kamay paharap sa lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa inyo, 39 pakinggan ninyo sila mula sa langit na inyong tahanan at sila'y patawarin. Ibigay ninyo sa kanila ang nararapat sa kanilang mga gawa, sapagkat kayo lamang ang nakakaalam kung ano ang nasa puso ng mga tao. 40 Sa gayon, mananatili silang may takot sa inyo habang sila'y nabubuhay dito sa lupaing ibinigay ninyo sa aming mga ninuno.

41-42 “Kung ang isang dayuhan na mula pa sa malayong lugar na nakarinig ng kadakilaan ng inyong pangalan at mga kabutihang ginawa ninyo para sa inyong bayang Israel ay nanirahan sa bayang ito at nagsadya sa Templong ito upang manalangin, 43 pakinggan ninyo siya buhat sa langit na inyong tahanan, at ipagkaloob ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa buong mundo ang inyong pangalan at sila'y sasamba sa inyo, tulad ng Israel. Malalaman nilang dito sa Templong ito na aking itinayo, ang inyong pangalan ay dapat sambahin.

44 “Kapag inutusan ninyo ang inyong bayan na makipagdigma sa kanilang mga kaaway bilang pagsunod sa inyong kalooban, kapag sila'y humarap sa lunsod na ito na inyong pinili, sa Templong ito na ipinatayo ko para sa inyong karangalan, 45 pakinggan ninyo sila at papagtagumpayin ninyo sila.

46 “Yahweh, ang lahat po ay nagkasala. Kung ang bayang ito'y magkasala sa inyo at dahil sa galit ninyo'y pinabayaan ninyo silang mabihag ng kanilang mga kaaway sa malayo o malapit man, 47 kung sa lupaing pinagdalhan sa kanila'y makilala nila ang kanilang kamalian at tanggapin nilang sila nga'y naging masama at nagkasala sa inyo, 48 sa sandaling sila'y magsisi at magbalik-loob sa inyo, at mula doo'y humarap sila sa lupaing kaloob sa kanilang mga ninuno, sa lunsod na ito na inyong pinili, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong pangalan, 49 pakinggan ninyo sila mula sa tahanan ninyo sa langit at ipaglaban po ninyo sila. 50 Patawarin ninyo ang inyong bayan sa kanilang pagkakasala sa inyo. Loobin ninyong kahabagan sila ng mga kaaway na bumihag sa kanila, 51 sapagkat ito ang bayang inyong pinili at inilabas mula sa Egipto, ang lupaing tulad sa nagliliyab na hurno.

52 “Lagi ninyong lingapin ang bayang Israel; lagi ninyong pakinggan ang kanilang panawagan. 53 Kayo at wala nang iba pa ang pumili sa kanila mula sa lahat ng mga bansa sa buong mundo, upang sila'y maging inyo. Ito, Panginoong Yahweh, ang sinabi ninyo sa pamamagitan ni Moises nang hanguin ninyo sa Egipto ang aming mga ninuno.”

Pagbabasbas sa Bayan

54 Nakaluhod si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nananalangin. Nang matapos ang kanyang pananawagan kay Yahweh, 55 tumayo siya at sa malakas na tinig ay binasbasan ang buong Israel na nagkakatipon doon. 56 “Purihin(O) si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng kapayapaan ang bayan niyang Israel. Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira. 57 Sumaatin nawang lagi si Yahweh, ang ating Diyos, gaya ng ginawa niya sa ating mga ninuno. Huwag nawa niya tayong pabayaan o itakwil kailanman. 58 Tulungan nawa niya tayong maging tapat sa kanya, upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban, at sundin ang kanyang mga batas, tuntunin at hatol, gaya ng ipinag-utos niya sa ating mga ninuno. 59 Manatili nawa araw-gabi sa harapan ni Yahweh itong aking panalangin upang sa bawat araw ay pagkalooban niya ng katarungan ang kanyang alipin, at ang kanyang bayang Israel ayon sa hinihingi ng pagkakataon. 60 Sa gayon, malalaman ng lahat ng tao sa balat ng lupa na si Yahweh ay Diyos, at liban sa kanya'y wala nang iba. 61 Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon.”

Mga Handog sa Araw ng Pagtatalaga ng Templo(P)

62 Sa pagtitipong ito nag-alay si Solomon at ang buong Israel ng napakaraming handog. 63 Nagpatay sila ng 22,000 baka at 120,000 tupa bilang handog na pinagsasaluhan. Sa gayong paraan ginawa ni Solomon at ng buong Israel ang pagtatalaga ng Templo ni Yahweh. 64 Nang araw ding iyon, itinalaga ni Solomon ang bulwagan sa harap ng Templo. Doon niya inihain ang handog na susunugin, ang mga handog na pagkaing butil, at ang mga taba ng handog na pinagsasaluhan sapagkat ang altar na tanso sa harapan ng Templo ay napakaliit para sa ganoon karaming handog.

65 Kaya nga't nang taóng iyon, natipon sa Jerusalem ang buong Israel mula sa Pasong Hamat hanggang sa Batis ng Egipto. Sa pamumuno ni Solomon, ipinagdiwang nila ang Pista ng mga Tolda sa loob ng pitong araw.[b] 66 Sa ikawalong araw, pinauwi na ni Solomon ang mga mamamayan. Masaya silang umuwi at binasbasan ang hari dahil sa mga pagpapalang ipinagkaloob ni Yahweh kay David na kanyang lingkod, at sa kanyang bayang Israel.

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 8:9 Sinai: o kaya'y Horeb .
  2. 1 Mga Hari 8:65 pitong araw: Sa ibang manuskrito'y pitong araw at pitong araw pa, labing-apat na araw lahat .

运约柜进殿(A)

那时,所罗门把以色列的长老、各支派的首领和以色列的族长,都召集到耶路撒冷自己面前,要把耶和华的约柜从大卫城,就是锡安运上来。 于是,在以他念月,就是七月,在守节期的时候,以色列众人都聚集到所罗门王那里。 以色列的众长老都来到了,祭司们就把约柜抬起来。 祭司和利未人把耶和华的约柜、会幕和会幕里的一切圣器具都运上来。 所罗门王和聚集到他那里的以色列全体会众,都一同在约柜前献牛羊为祭,数目多得不可胜数,无法计算。 祭司把耶和华的约柜抬进内殿为它预备的地方,就是至圣所,放在两个基路伯的翅膀底下。 因为基路伯展开翅膀在约柜所在地的上面,遮掩约柜和抬柜的杠。 这些杠很长,在内殿前的圣所可以看见杠头,在殿外却看不见;直到今日,这些杠还在那里。 约柜里面只有两块石版,这两块石版在以色列人出埃及地以后,耶和华与他们立约的时候,摩西在何烈山放在那里的。 10 祭司从圣所里出来的时候,有云彩充满耶和华的殿, 11 因为云彩的缘故,祭司不能站立服事,因为耶和华的荣光充满了圣殿。

12 那时,所罗门说:

“耶和华曾说,他要住在密云中。

13 现在我果然为你建造了一座巍峨的殿,

作你永远的居所。”

所罗门宣告建殿的理由(B)

14 于是王把脸转过来,为全体以色列会众祝福,全体以色列会众都站着。 15 所罗门说:“耶和华以色列的 神是应当称颂的,因为他亲口对我父亲大卫应许过的,现在他亲手成全了。他说: 16 ‘自从我把我的子民以色列领出埃及的日子以来,我未曾在以色列的各支派中拣选一座城,建造殿宇,作我名的居所;但我拣选了大卫治理我的子民以色列。’ 17 我父大卫心里有意要为耶和华以色列的 神的名建殿。 18 但耶和华对我父大卫说:‘你心里有意为我的名建一座殿,你这心意是好的。 19 然而你不要建造这殿,只有你亲生的儿子,他必为我的名建造这殿。’ 20 现在耶和华已经实现了他说过的话,我已经起来继承我父大卫,坐在以色列的王位上,正如耶和华所说过的。我也已经为耶和华以色列的 神的名建造了这殿。 21 我又为约柜预备了一个地方。这约柜里有耶和华的约,就是他领我们列祖出埃及地的时候与他们所立的。”

所罗门献殿的祷告(C)

22 所罗门当着以色列的全体会众,站在耶和华的祭坛前,向天伸开双手, 23 祷告说:“耶和华以色列的 神啊,天上地下没有别的神像你;你对一心在你面前行事为人的仆人守约施慈爱。 24 你谨守了你应许过你仆人我父大卫的话。你亲口说过,也亲手作成,正如今天一样。 25 耶和华以色列的 神啊,现在求你谨守你应许你仆人我父亲大卫的话:‘只要你的子孙谨守他们的行为,像你在我面前所行的一样,就必不断有人坐以色列的王位。’ 26 以色列的 神啊,现在求你成就你应许你仆人我父大卫的话吧!

27 “ 神真的住在地上吗?看哪!天和天上的天尚且不能容纳你,何况我建造的这殿呢? 28 然而耶和华我的 神啊,求你垂顾你仆人的祷告和恳求,垂听你仆人今天在你面前所作的呼吁和祷告。 29 愿你的眼睛昼夜看顾这殿,看顾你所说‘我的名要留在那里’的地方。愿你垂听你仆人向这地方所发的祷告。 30 你仆人和你的子民以色列向这地方祷告的时候,求你垂听他们的恳求。求你在天上的居所垂听,垂听而赦免。

31 “如果有人得罪他的邻居被迫起誓,他来到这殿在你的祭坛前起誓的时候, 32 求你在天上垂听,采取行动,审判你的仆人,定恶人有罪,使他所行的,都归到他自己的头上。定义人有理,照着他的公义赏赐他。

33 “你的子民以色列若是得罪了你,以致在仇敌面前被打败,又回转归向你,承认你的名,在这殿里向你祷告恳求的时候, 34 求你在天上垂听,赦免你的子民以色列的罪,领他们返回你赐给他们列祖之地。

35 “如果他们因为得罪了你,天就闭塞不下雨;他们若是向这地方祷告,承认你的名;又因你苦待他们,就离开他们的罪, 36 求你在天上垂听,赦免你仆人和你的子民以色列的罪,指示他们当行的善道,赐雨水在你的地上,就是你赐给你子民的产业之地。

37 “如果这地有饥荒、瘟疫、旱风、霉烂、蝗虫、蚂蚱,或有仇敌把他们围困在城里,无论遭遇甚么灾祸,甚么疾病, 38 你的子民以色列,或是众人,或是个人,知道自己心里的苦痛,向这殿伸开双手所作的一切祷告、一切恳求, 39 求你在天上你的居所垂听而赦免,并且采取行动。你是知道人心的,只有你知道万人的心,求你照着各人所行的报应他, 40 好使他们在你赐给我们列祖的地上,一生一世敬畏你。

41 “至于不属于你的子民以色列的外族人,为了你的名的缘故从远地而来, 42 因为他们听到你的大名、大能的手和伸出来的膀臂,他们来向这殿祷告的时候, 43 求你在天上你的居所垂听,照着外族人向你呼求的一切而行,好使地上的万族万民都认识你的名,敬畏你,像你的子民以色列一样;又使他们知道我建造的这殿是称为你的名下的。

44 “如果你的子民出去与仇敌争战,无论你派他们到哪处,他们若是向你所拣选的这城,并向我为你的名建造的这殿祷告, 45 求你在天上垂听他们的祷告和恳求,为他们主持公道。

46 “如果你的子民得罪了你(没有不犯罪的世人),你向他们发怒,把他们交给仇敌,以致仇敌把他们掳到仇敌的地方,或是远或是近, 47 在被掳的地方,他们若是回心转意,在他们被掳去之地回转,向你祈求,说:‘我们犯了罪了;我们犯了过了,我们作了恶事。’ 48 如果他们在俘掳他们的仇敌的地方,一心一意回转归向你,又向着你赐给他们列祖的地方,向你所拣选的这城,和我为你的名建造的这殿祷告, 49 求你在天上你的居所垂听他们的祷告和恳求,为他们主持公道。 50 赦免得罪了你的子民,又赦免他们冒犯你的一切过犯,使他们在掳他们的人面前蒙怜悯。 51 因为他们是你的子民、你的产业,是你从埃及、从铁炉中领出来的。 52 愿你睁开眼睛看顾你仆人的祈求,和你的子民以色列的祈求,他们向你呼求的,愿你都垂听。 53 主耶和华啊!因为你已经把他们从地上万族万民中分别出来,作自己的产业,正如你领我们的列祖出埃及的时候,借着你的仆人摩西所应许的。”

所罗门为人民祝福

54 所罗门在耶和华的祭坛前屈膝下跪,向天伸开双手,向耶和华献完了这一切祷告和恳求以后,就起来, 55 站着,大声给以色列的全体会众祝福,说: 56 “耶和华是应当称颂的。他照着自己一切所应许的,赐安息给他的子民以色列人。借着他的仆人摩西所应许一切美好的话,一句都没有落空。 57 愿耶和华我们的 神与我们同在,像与我们的列祖同在一样。愿他不离弃我们,也不撇下我们。 58 愿他使我们的心归向他,遵行他的一切道,谨守他吩咐我们列祖的诫命、律例和典章。 59 愿我在耶和华面前恳求的这些话,昼夜都不离耶和华我们的 神,好使他天天为他仆人和他的子民以色列人主持公道, 60 使地上万族万民都知道耶和华是 神,除他以外没有别的神。 61 所以你们的心要完全归给耶和华我们的 神,遵行他的律例,谨守他的诫命,像今天一样。”

献殿礼的献祭(D)

62 王和所有与他在一起的以色列人都在耶和华面前献祭。 63 所罗门向耶和华献平安祭,牛二万二千头,羊十二万只;这样,王和以色列众人为耶和华的殿举行了奉献典礼。 64 那一天,因为耶和华面前的铜祭坛太小,容不下燔祭、素祭和平安祭牲的脂肪,王就把耶和华殿前院子当中的地方分别为圣,在那里献燔祭、素祭和平安祭牲的脂肪。 65 那时所罗门与从哈马口直到埃及小河的以色列人,都在耶和华我们的 神面前举行盛大的集会,守节七天,又七天,一共十四天。 66 到了第八天,王遣散了众人;众人都祝福过王以后,就高高兴兴地回自己的家去。他们因为看见耶和华向他仆人大卫和他子民以色列所施的一切恩惠,心中都感到欢喜。