1 Mga Hari 6
Ang Biblia (1978)
Ang pagtatayo ng templo.
6 At nangyari (A)nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang (B)buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.
2 (C)At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.
3 At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.
4 At iginawa ang bahay ng mga dungawan na (D)may silahia.
5 At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa (E)sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran (F)sa palibot:
6 Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.
7 At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: (G)at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.
8 Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.
9 Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro.
10 At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.
Ang tipan ng Dios.
11 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,
12 Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, (H)kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay (I)David na iyong ama.
13 At ako'y tatahan (J)sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan (K)ang aking bayang Israel.
14 Gayon itinayo ni Salomon ang bahay, at (L)tinapos.
15 At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.
16 At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa (M)kabanalbanalang dako.
17 At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba.
18 At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita.
19 At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.
20 At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na (N)ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.
21 Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.
22 At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana (O)na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.
Dalawang querubin sa sanggunian.
23 At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin (P)na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.
24 At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.
25 At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.
26 Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.
27 At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka (Q)na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.
28 At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.
Mga ukit sa palibot at sa mga pintuan.
29 At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga (R)bukang bulaklak, sa loob at sa labas.
30 At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.
31 At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.
32 Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,
33 Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;
34 At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay (S)naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.
35 At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.
36 At kaniyang ginawa ang loob na looban, (T)na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.
37 Nang ikaapat na taon, (U)sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.
38 At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.
1 Kings 6
New International Version
Solomon Builds the Temple(A)
6 In the four hundred and eightieth[a] year after the Israelites came out of Egypt, in the fourth year of Solomon’s reign over Israel, in the month of Ziv, the second month,(B) he began to build the temple of the Lord.(C)
2 The temple(D) that King Solomon built for the Lord was sixty cubits long, twenty wide and thirty high.[b] 3 The portico(E) at the front of the main hall of the temple extended the width of the temple, that is twenty cubits,[c] and projected ten cubits[d] from the front of the temple. 4 He made narrow windows(F) high up in the temple walls. 5 Against the walls of the main hall and inner sanctuary he built a structure around the building, in which there were side rooms.(G) 6 The lowest floor was five cubits[e] wide, the middle floor six cubits[f] and the third floor seven.[g] He made offset ledges around the outside of the temple so that nothing would be inserted into the temple walls.
7 In building the temple, only blocks dressed(H) at the quarry were used, and no hammer, chisel or any other iron tool(I) was heard at the temple site while it was being built.
8 The entrance to the lowest[h] floor was on the south side of the temple; a stairway led up to the middle level and from there to the third. 9 So he built the temple and completed it, roofing it with beams and cedar(J) planks. 10 And he built the side rooms all along the temple. The height of each was five cubits, and they were attached to the temple by beams of cedar.
11 The word of the Lord came(K) to Solomon: 12 “As for this temple you are building, if you follow my decrees, observe my laws and keep all my commands(L) and obey them, I will fulfill through you the promise(M) I gave to David your father. 13 And I will live among the Israelites and will not abandon(N) my people Israel.”
14 So Solomon(O) built the temple and completed(P) it. 15 He lined its interior walls with cedar boards, paneling them from the floor of the temple to the ceiling,(Q) and covered the floor of the temple with planks of juniper.(R) 16 He partitioned off twenty cubits at the rear of the temple with cedar boards from floor to ceiling to form within the temple an inner sanctuary, the Most Holy Place.(S) 17 The main hall in front of this room was forty cubits[i] long. 18 The inside of the temple was cedar,(T) carved with gourds and open flowers. Everything was cedar; no stone was to be seen.
19 He prepared the inner sanctuary(U) within the temple to set the ark of the covenant(V) of the Lord there. 20 The inner sanctuary(W) was twenty cubits long, twenty wide and twenty high. He overlaid the inside with pure gold, and he also overlaid the altar of cedar.(X) 21 Solomon covered the inside of the temple with pure gold, and he extended gold chains across the front of the inner sanctuary, which was overlaid with gold. 22 So he overlaid the whole interior with gold. He also overlaid with gold the altar that belonged to the inner sanctuary.
23 For the inner sanctuary he made a pair of cherubim(Y) out of olive wood, each ten cubits high. 24 One wing of the first cherub was five cubits long, and the other wing five cubits—ten cubits from wing tip to wing tip. 25 The second cherub also measured ten cubits, for the two cherubim were identical in size and shape. 26 The height of each cherub was ten cubits. 27 He placed the cherubim(Z) inside the innermost room of the temple, with their wings spread out. The wing of one cherub touched one wall, while the wing of the other touched the other wall, and their wings touched each other in the middle of the room. 28 He overlaid the cherubim with gold.
29 On the walls(AA) all around the temple, in both the inner and outer rooms, he carved cherubim,(AB) palm trees and open flowers. 30 He also covered the floors of both the inner and outer rooms of the temple with gold.
31 For the entrance to the inner sanctuary he made doors out of olive wood that were one fifth of the width of the sanctuary. 32 And on the two olive-wood doors(AC) he carved cherubim, palm trees and open flowers, and overlaid the cherubim and palm trees with hammered gold. 33 In the same way, for the entrance to the main hall he made doorframes out of olive wood that were one fourth of the width of the hall. 34 He also made two doors out of juniper wood, each having two leaves that turned in sockets. 35 He carved cherubim, palm trees and open flowers on them and overlaid them with gold hammered evenly over the carvings.
36 And he built the inner courtyard(AD) of three courses(AE) of dressed stone and one course of trimmed cedar beams.
37 The foundation of the temple of the Lord was laid in the fourth year, in the month of Ziv. 38 In the eleventh year in the month of Bul, the eighth month, the temple was finished in all its details(AF) according to its specifications.(AG) He had spent seven years building it.
Footnotes
- 1 Kings 6:1 Hebrew; Septuagint four hundred and fortieth
- 1 Kings 6:2 That is, about 90 feet long, 30 feet wide and 45 feet high or about 27 meters long, 9 meters wide and 14 meters high
- 1 Kings 6:3 That is, about 30 feet or about 9 meters; also in verses 16 and 20
- 1 Kings 6:3 That is, about 15 feet or about 4.5 meters; also in verses 23-26
- 1 Kings 6:6 That is, about 7 1/2 feet or about 2.3 meters; also in verses 10 and 24
- 1 Kings 6:6 That is, about 9 feet or about 2.7 meters
- 1 Kings 6:6 That is, about 11 feet or about 3.2 meters
- 1 Kings 6:8 Septuagint; Hebrew middle
- 1 Kings 6:17 That is, about 60 feet or about 18 meters
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
