1 Hari 11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Asawa ni Solomon
11 Maraming dayuhang babae ang inibig ni Haring Solomon. Bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Ammonita, Edomita, Sidoneo at Heteo. 2 Sinabi na sa kanya ng Panginoon na ang mga Israelita ay hindi dapat mag-asawa mula sa mga bansang iyondahil mahihimok lang sila ng mga ito na sumamba sa ibang mga dios. Pero umibig pa rin si Solomon sa mga babaeng ito. 3 May 700 asawa si Solomon na puro mga prinsesa, at may 300 pa siyang asawang alipin. Ang mga asawa niya ang nagpalayo sa kanya sa Dios. 4 Nang matanda na siya, nahimok siya ng kanyang mga asawa na sumamba sa ibang mga dios. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Dios; hindi tulad ng ama niyang si David. 5 Sumamba siya kay Ashtoret, ang diosa ng mga Sidoneo at kay Molec,[a] ang kasuklam-suklam na dios ng mga Ammonita. 6 Sa pamamagitan nito, nakagawa si Solomon ng masama sa paningin ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.
7 Nagpagawa si Solomon ng sambahan sa matataas na lugar,[b] sa bandang silangan ng Jerusalem, para kay Kemosh, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Moabita. Nagpagawa rin siya ng sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Ammonita. 8 Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga dios-diosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga dios-diosan nila.
9 Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses. 10 Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumunod sa ibang mga dios, hindi pa rin sumunod si Solomon sa kanya. 11 Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo. 12 Pero dahil sa iyong amang si David hindi ko ito gagawin habang buhay ka pa. Gagawin ko ito sa panahon nang paghahari ng iyong anak. 13 Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kanya, magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”
Ang mga Kaaway ni Solomon
14 Pinahintulutan ng Panginoon na may kumalaban kay Solomon. Siya ay si Hadad na taga-Edom, na mula sa angkan ng isa sa mga hari ng Edom. 15 Noong una, nang nakipaglaban si David sa Edom, si Joab na kumander ng mga sundalo ni David ay pumunta roon sa Edom para ilibing ang mga namatay sa labanan. At nang naroon na siya, pinatay niya at ng mga tauhan niya ang lahat ng lalaki sa Edom. 16 Anim na buwan silang nanatili roon. Hindi sila umalis hanggang sa mapatay nila ang lahat ng mga lalaki roon. 17 Pero si Hadad, na bata pa noon ay tumakas papunta sa Egipto kasama ng ibang mga opisyal na taga-Edom na naglingkod sa kanyang ama. 18 Umalis sila sa Midian at pumunta sa Paran. At kasama ng ibang mga taga-Paran, pumunta sila sa Egipto at nakipagkita sa Faraon, ang hari ng Egipto. Binigyan ng hari si Hadad ng bahay, lupa at pagkain.
19 Nagustuhan ng Faraon si Hadad, kaya ibinigay niya ang hipag niya kay Hadad para maging asawa nito, kapatid ito ng kanyang asawang si Reyna Tapenes. 20 Kinalaunan, nanganak ng lalaki ang asawa ni Hadad at pinangalanan nila siyang Genubat. Si Tapenes ang nagpalaki sa bata roon sa palasyo. Tumira ang bata roon kasama ng mga anak ng Faraon.
21 Nang naroon na si Hadad sa Egipto, nabalitaan niya na patay na si David at si Joab na kumander ng mga sundalo. Sinabi ni Hadad sa Faraon, “Hayaan nʼyo na po akong umuwi sa aking bansa.” 22 Nagtanong ang Faraon, “Bakit? Ano pa ba ang kulang sa iyo rito at gusto mo pang umuwi sa inyo?” Sumagot si Hadad, “Wala po; basta pauwiin nʼyo na lang po ako.”
23 May isa pang tao na pinahintulutan ng Dios na kumalaban kay Solomon. Ito ay si Rezon na anak ni Eliada. Lumayas siya sa kanyang amo na si Haring Hadadezer ng Zoba, 24 at naging pinuno siya ng mga rebeldeng tinipon niya. Nang matalo ni David ang mga sundalo ni Hadadezer, pumunta si Rezon at ang mga tauhan niya sa Damascus. Sinakop nila ang lugar na ito at doon tumira. 25 Naging hari si Rezon ng Aram,[c] at kinalaban niya ang Israel. Naging kalaban siya ng Israel habang buhay pa si Solomon. Dinagdagan pa niya ang kaguluhan na ginawa ni Hadad sa Israel.
Nagrebelde si Jeroboam kay Solomon
26 Isa pa sa mga kumalaban kay Solomon ay si Jeroboam na isa sa mga opisyal niya. Galing siya sa lungsod ng Zereda sa Efraim. Ang ama niyang si Nebat ay patay na, pero ang kanyang ina na si Zerua ay buhay pa. 27 Ito ang nangyari kung paano siya nagrebelde sa hari: Pinatabunan noon ni Solomon ng lupa ang mababang bahagi ng bayan ng ama niyang si David at ipinaayos ang mga pader nito. 28 Maabilidad na tao si Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng tao na pinilit magtrabaho mula sa lahi ni Efraim at ni Manase.[d]
29 Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahia na taga-Shilo. Bago ang suot na balabal ni Ahia. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan. 30 Hinubad ni Ahia ang balabal niya at pinunit ito sa 12 bahagi. 31 Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: ‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito. 32 Ngunit alang-alang kay David na aking lingkod at sa lungsod ng Jerusalem na aking hinirang sa lahat ng lungsod ng Israel, ititira ko ang isang lahi kay Solomon. 33 Gagawin ko ito dahil itinakwil niya[e] ako at sinamba si Ashtoret, ang diosa ng mga Sidoneo, si Kemosh, ang dios ng mga Moabita at si Molec, ang dios ng mga Ammonita. Hindi siya sumunod sa aking mga pamamaraan at hindi siya namuhay nang matuwid sa aking paningin. Hindi siya tumupad sa aking mga tuntunin at mga utos; hindi tulad ng ama niyang si David. 34 Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian kay Solomon. Maghahari siya sa buong buhay niya dahil sa pinili kong lingkod na si David, na tumupad sa aking mga utos at mga tuntunin. 35 Kukunin ko ang kaharian sa kanyang anak na papalit sa kanya bilang hari, at ibibigay ko ang sampung lahi nito sa iyo. 36 Bibigyan ko ng isang lahi ang kanyang anak para ang angkan ni David na aking lingkod ay magpapatuloy sa paghahari sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili para parangalan ako. 37 At ikaw naman ay gagawin kong hari ng Israel. Pamamahalaan mo ang lahat ng gusto mo. 38 Kung tutuparin mo ang lahat ng iuutos ko sa iyo at susunod ka sa pamamaraan ko, at kung gagawa ka nang mabuti sa aking harapan sa pamamagitan ng pagtupad ng aking mga tuntunin at mga utos katulad ng ginawa ni David na aking lingkod, akoʼy makakasama mo. Mananatili sa paghahari ang iyong mga angkan tulad sa mga angkan ni David. Magiging iyo ang Israel. 39 Dahil sa mga kasalanan ni Solomon, parurusahan ko ang mga angkan ni David, pero hindi panghabang buhay.’ ”
40 Nang malaman ito ni Solomon, pinagsikapan niyang patayin si Jeroboam, pero tumakas ito at pumunta kay Haring Sishak ng Egipto at doon siya tumira hanggang mamatay si Solomon.
Ang Pagkamatay ni Solomon(A)
41 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, at ang lahat ng ginawa niya, at ang tungkol sa kanyang karunungan ay nakasulat sa Aklat ng mga Gawa ni Solomon. 42 Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon. 43 Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.
Footnotes
- 11:5 Molec: sa Hebreo, Milcom. Ganito rin sa talatang 33.
- 11:7 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
- 11:25 Aram: o, Syria.
- 11:28 lahi ni Efraim at ni Manase: sa literal, sambahayan ni Jose.
- 11:33 niya: Itoʼy ayon sa mga teksto ng Septuagint, Vulgate at Syriac; sa Hebreo, nila.
1 Kings 11
New King James Version
Solomon’s Heart Turns from the Lord
11 But (A)King Solomon loved (B)many foreign women, as well as the daughter of Pharaoh: women of the Moabites, Ammonites, Edomites, Sidonians, and Hittites— 2 from the nations of whom the Lord had said to the children of Israel, (C)“You shall not intermarry with them, nor they with you. Surely they will turn away your hearts after their gods.” Solomon clung to these in love. 3 And he had seven hundred wives, princesses, and three hundred concubines; and his wives turned away his heart. 4 For it was so, when Solomon was old, (D)that his wives turned his heart after other gods; and his (E)heart was not [a]loyal to the Lord his God, (F)as was the heart of his father David. 5 For Solomon went after (G)Ashtoreth the goddess of the Sidonians, and after (H)Milcom[b] the abomination of the (I)Ammonites. 6 Solomon did evil in the sight of the Lord, and did not fully follow the Lord, as did his father David. 7 (J)Then Solomon built a [c]high place for (K)Chemosh the abomination of Moab, on (L)the hill that is east of Jerusalem, and for Molech the abomination of the people of Ammon. 8 And he did likewise for all his foreign wives, who burned incense and sacrificed to their gods.
9 So the Lord became angry with Solomon, because his heart had turned from the Lord God of Israel, (M)who had appeared to him twice, 10 and (N)had commanded him concerning this thing, that he should not go after other gods; but he did not keep what the Lord had commanded. 11 Therefore the Lord said to Solomon, “Because you have done this, and have not kept My covenant and My statutes, which I have commanded you, (O)I will surely tear the kingdom away from you and give it to your (P)servant. 12 Nevertheless I will not do it in your days, for the sake of your father David; I will tear it out of the hand of your son. 13 (Q)However I will not tear away the whole kingdom; I will give (R)one tribe to your son (S)for the sake of My servant David, and for the sake of Jerusalem (T)which I have chosen.”
Adversaries of Solomon
14 Now the Lord (U)raised up an adversary against Solomon, Hadad the Edomite; he was a descendant of the king in Edom. 15 (V)For it happened, when David was in Edom, and Joab the commander of the army had gone up to bury the slain, (W)after he had killed every male in Edom 16 (because for six months Joab remained there with all Israel, until he had cut down every male in Edom), 17 that Hadad fled to go to Egypt, he and certain Edomites of his father’s servants with him. Hadad was still a little child. 18 Then they arose from Midian and came to Paran; and they took men with them from Paran and came to Egypt, to Pharaoh king of Egypt, who gave him a house, apportioned food for him, and gave him land. 19 And Hadad found great favor in the sight of Pharaoh, so that he gave him as wife the sister of his own wife, that is, the sister of Queen Tahpenes. 20 Then the sister of Tahpenes bore him Genubath his son, whom Tahpenes weaned in Pharaoh’s house. And Genubath was in Pharaoh’s household among the sons of Pharaoh.
21 (X)So when Hadad heard in Egypt that David [d]rested with his fathers, and that Joab the commander of the army was dead, Hadad said to Pharaoh, [e]“Let me depart, that I may go to my own country.”
22 Then Pharaoh said to him, “But what have you lacked with me, that suddenly you seek to go to your own country?”
So he answered, “Nothing, but do let me go anyway.”
23 And God raised up another adversary against him, Rezon the son of Eliadah, who had fled from his lord, (Y)Hadadezer king of Zobah. 24 So he gathered men to him and became captain over a band of raiders, (Z)when David killed those of Zobah. And they went to Damascus and dwelt there, and reigned in Damascus. 25 He was an adversary of Israel all the days of Solomon (besides the trouble that Hadad caused); and he abhorred Israel, and reigned over Syria.
Jeroboam’s Rebellion
26 Then Solomon’s servant, (AA)Jeroboam the son of Nebat, an Ephraimite from Zereda, whose mother’s name was Zeruah, a widow, (AB)also (AC)rebelled against the king.
27 And this is what caused him to rebel against the king: (AD)Solomon had built the Millo and [f]repaired the damages to the City of David his father. 28 The man Jeroboam was a mighty man of valor; and Solomon, seeing that the young man was (AE)industrious, made him the officer over all the labor force of the house of Joseph.
29 Now it happened at that time, when Jeroboam went out of Jerusalem, that the prophet (AF)Ahijah the Shilonite met him on the way; and he had clothed himself with a new garment, and the two were alone in the field. 30 Then Ahijah took hold of the new garment that was on him, and (AG)tore it into twelve pieces. 31 And he said to Jeroboam, “Take for yourself ten pieces, for (AH)thus says the Lord, the God of Israel: ‘Behold, I will tear the kingdom out of the hand of Solomon and will give ten tribes to you 32 (but he shall have one tribe for the sake of My servant David, and for the sake of Jerusalem, the city which I have chosen out of all the tribes of Israel), 33 (AI)because [g]they have forsaken Me, and worshiped Ashtoreth the goddess of the Sidonians, Chemosh the god of the Moabites, and Milcom the god of the people of Ammon, and have not walked in My ways to do what is right in My eyes and keep My statutes and My judgments, as did his father David. 34 However I will not take the whole kingdom out of his hand, because I have made him ruler all the days of his life for the sake of My servant David, whom I chose because he kept My commandments and My statutes. 35 But (AJ)I will take the kingdom out of his son’s hand and give it to you—ten tribes. 36 And to his son I will give one tribe, that (AK)My servant David may always have a lamp before Me in Jerusalem, the city which I have chosen for Myself, to put My name there. 37 So I will take you, and you shall reign over all your heart desires, and you shall be king over Israel. 38 Then it shall be, if you heed all that I command you, walk in My ways, and do what is right in My sight, to keep My statutes and My commandments, as My servant David did, then (AL)I will be with you and (AM)build for you an enduring house, as I built for David, and will give Israel to you. 39 And I will afflict the descendants of David because of this, but not forever.’ ”
40 Solomon therefore sought to kill Jeroboam. But Jeroboam arose and fled to Egypt, to (AN)Shishak king of Egypt, and was in Egypt until the death of Solomon.
Death of Solomon(AO)
41 Now (AP)the rest of the acts of Solomon, all that he did, and his wisdom, are they not written in the book of the acts of Solomon? 42 (AQ)And the period that Solomon reigned in Jerusalem over all Israel was forty years. 43 (AR)Then Solomon [h]rested with his fathers, and was buried in the City of David his father. And Rehoboam his son reigned in his (AS)place.
Footnotes
- 1 Kings 11:4 Lit. at peace with
- 1 Kings 11:5 Or Molech
- 1 Kings 11:7 A place for pagan worship
- 1 Kings 11:21 Died and joined his ancestors
- 1 Kings 11:21 Lit. Send me away
- 1 Kings 11:27 Lit. closed up the breaches
- 1 Kings 11:33 So with MT, Tg.; LXX, Syr., Vg. he has
- 1 Kings 11:43 Died and joined his ancestors
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
