Add parallel Print Page Options

May tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa. Yamang tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit na dakila ang patotoo ng Diyos sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na pinapatunayan niya patungkol sa kaniyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos, siya ang nagsasabi na ang Diyos ay sinungaling sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak.

Read full chapter