Font Size
1 Juan 5:6-8
Ang Biblia, 2001
1 Juan 5:6-8
Ang Biblia, 2001
Ang mga Patotoo sa Anak ng Diyos
6 Ito ang siyang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, si Jesu-Cristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
7 Sapagkat may tatlong nagpapatotoo:[a]
8 ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlo ay nagkakaisa.
Read full chapterFootnotes
- 1 Juan 5:7 Sa ibang mga kasulatan ay ganito ang sinasabi: Mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo, at ang tatlong ito ay iisa .