Font Size
1 Juan 5:14-16
Ang Salita ng Diyos
1 Juan 5:14-16
Ang Salita ng Diyos
14 Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa kaniya. Ito ang kapanatagan na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya ito. 15 Yamang alam nating dinirinig niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa kaniya.
16 Maaaring may makakita sa kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi ikamamatay. Humiling siya sa Diyos para sa kaniya at magbibigay ng buhay ang Diyos sa kaniya. Ito ay para sa mga nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay. Hindi ko sinasabing idalangin niya ito.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International