Add parallel Print Page Options

10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos, siya ang nagsasabi na ang Diyos ay sinungaling sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.

Read full chapter